“Romina, alam mo ba kung bakit hindi sumasagot sa akin si Gia?" nag-aalala na naitanong niya kay Romina. Galing siya sa school at sa coffee shop na pinagta-trabahuhan ni Gia as part-time job. Kaya lang wala na ito doon at hindi niya naabutan. Hindi nga niya man lang ito nakita at hindi din sumasagot sa lahat ng text at tawag niya. Ano bang nangyari kay Gia? kanina pa niya itinatanong sa sarili niya kung bakit hindi man lang sumasagot si Gia. Para na siyang baliw kangina pa siya sa labas ng coffee shop naghihintay na baka mapadaan si Gia dahil sinabihan niya nga ito sa text na dadaan siya upang sunduin ito. Kaya nga lang sabi ng kasama ni Gia sa trabaho kangina pa ito nakaalis ng coffee shop nagmamadali. May nangyari kaya? “Hindi ko alam, hindi din siya nagtext sa akin. Even my text

