Isang kulay asul na kwarto. Napipinturahan ang buong paligid at sulok. Walang gaano na gamit maliban sa makikitang maliit na kama na may sapin na gold na comforter. Ganun din ang kutson at fillow case. Malakas din ang pagkakabukas sa aircon na nakakataas ng balahibo ng babaeng kararating lang ito agad ang napansin. Kinuha nito ang remote ng Aircon saka niya hininaan ang temperature. Giniginaw kasi siya at ramdam ng buo niyang katawan ang sobrang lamig talaga sa buong kwarto. Napaisip pa ito ng mapatigil sa paglalakad ng makita ang babaeng kalalabasan lang sa banyo. Maganda ang babae na may tuwid at pagkaganda na hulma ng kanyang buhok. Nakasuot ito ng simple lang na dress. Green ang kulay at abot sa paa niya ang haba noon. Naka-slippers lang din ito na kulay puti. Maraming borloloy. De

