“Okay ka lang?" lumapit ang ilang mga lalaking pulis. May mga dalang armas ang mga ito matapos na matutukan nila at mahuli ang lalaking sana ay gagahasa kay Gia. Takot na takot si Gia na hanggang ngayon hindi pa rin siya makawala sa kanyang trauma. Traumatic talaga ang pangyayari sa kanya ng kamuntikan na siya talaga makuha ng lalaki at magahasa. Binigyan si Gia ng kasuotan na mapangtatakip niya sa kanyang katawan. Maraming buntong hininga si Gia. Ang puso niya hanggang ngayon kumakabog at tumatalon sa labis na takot kangina. Naisip niya ang kaibigan na mabilis din kinuha ng mga rescue team. Agad itong binuhat papunta sa ambulance. “Okay lang po," sa wakas ay naibuka na din niya ang kanyang bibig sa takot kangina. Nanatili itong tikom at hindi makapag salita. Napalunok si Gia. Inab

