Hindi sila nakaligtas sa galit nilang professor. Umagang-umaga pa ay mainit na agad ang ulo nito. Lahat sila ay napagdiskitahan. Walang kahit isa ang pinalagpas ng kanilang prof. Lumibot ito habang naglalakad ng may nakakuyot na labi ng humahaba ang nguso sa tuwing mapapahinto. Itong professor nila ang mayroong pinakamatinding ugali sa lahat. Obviously naman habang naglalakad siya at naninita sa mga estudyante niya na mayroong nagaganap na pangongopya. May nahuli na nga ito. Nakatikim agad ng isang napakagandang regalo. Pinukpok ng stick ang ulo ng kaklase nila Goa. Nagulat nalang ito mula sa likod galit na hinampas siya ng kanilang prof. Walang pag-aano ay napasigaw sa sobrang sakit ang estudyante. “Anak ng P***" hindi na naituloy nito ang sasabihin ng sa paglingon niya. Nakita niya a

