CELESTINA Napakunot ako nang magising ako. Napatingin ako sa may bintana at napabalikwas ako ng bangon nang makita kong mataas na ang sikat ng araw. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at saka ko naalalang sa kwarto nga pala ako ni Mama natulog dahil may umangkin ng kwarto ko. Tumingin ako sa orasang nasa may kama ni Mama at napapikit na lang ako nang makita kong late na. Nagmamadali akong bumangon at naghilamos bago ako nagtungo sa kwarto ko upang tingnan kung nandoon pa ba si Jackson pero napakunot ang noo ko nang marinig kong bukas ang shower sa bathroom ko. Huwag niyang sabihin na naliligo siya? Feel at home na feel at home talaga siya. Kumatok ako sa pinto. “Jackson?" “Yes!" “What are you doing?!" pasigaw na tanong ko para marinig niya ako. “Naliligo, what else?" Bakit

