5

810 Words
[5:Welcome Home] -Alisha's Pov- Naghahabol ako ng hininga ko ng makarating ako sa shooting area.Kakahatid ko lang kay Alas sa kindergarten at patakbo pa akong pumunta dito dahil late na ako. Hindi lang kase basta teleserye ang ishoshooting namin.Bigtime kase ang teleserye na 'to dahil mafefeature 'to sa national television. Kahit hindi ako yung bida at supporting lang yung role ko ay kailangan ko pa rin galingan dahil baka may magbukas na maraming opportunities kung may makakakita sa potential ko. "Alisha!Buti naman nandito ka na!Dumating na yung mga gaganap sa Main lead at Second lead.Nasa dressing room na sila!"wika ni Direct Lee at napatango naman ako Napansin kong may kasama syang maliit at cute na teenager na babae sa likuran nya. "Ito nga pala si Lily,sya yung naka-assign na assistant sayo.Sya ang maghahandle ng schedule at mga scripts mo para maging organized."wika ni Direct Lee at lumapit naman sakin yung cute na babae at nakipag-kamay sakin "Nice to meet you!"nakangiting wika ko at ngumiti rin sya sakin "Whaaa ang ganda ganda nyo po!"wika nya at bigla nyang tinakpan ang bibig nya na parang nagulat sa sinabi nya at natawa naman ako "It's okay.Be comfortable with me.Pero sa ngayon pumasok na muna tayo sa dressing room para kitain yung ibang cast."wika ko at napatango naman sya at binuksan nya ang pinto ng dressing room. Pagdating namin dun ay nakita ko si Chloe at Ricky na kaparehas ko na supporting role lang.Si Paulo na second lead role at si...Anya,ang main female lead. Anya as in my great stepsister.She also takes actress as her career and she's so famous now with the help of 'Arcena'.Kasama nya pa si Brian sa shooting at matama syang nakatingin habang nakangiti sakin.Nakatingin naman sakin ng masama si Anya. Kailangan ko sila batiin diba?Magsasalita na sana ako ng may bigla rin pumasok sa pinto. "Sorry guys,i'm late!"napalingon ako sa lalaking nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makita kong sino sya "Dustin?/Ali?"magkapanabay naming wika "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sakanya "Ako yung main male lead dito e."sagot nya naman Kung mamalasin ka nga naman oh.Naging katrabaho ko na nga si Anya pati ba naman 'tong pabigat na 'to. "Magkakilala kayo?"tanong samin ni Paulo at napaayos naman ako ng sarili ko "I don't know him/Ali is my friend"magkapanabay ulit naming wika at parehas kaming nagtinginan ng masama. Pagkatapos magpakilalahan ay isa-isang umalis ang mga cast para bigyan ako ng panahon mag-ayos ng sarili.Naramdaman ko pa ang matatalim na tingin ni Anya nung dinaanan nya ko. Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso na sa isang makeup mirror at sumunod naman sakin si Lily. "Ate Alisha,close ba kayo ni Dustin?!Whaaaa pwede ba akong humingi ng autograph sakanya?"tanong ni Lily sakin at napatingin ako sakanya "Kay Dustin mo itanong,hindi naman kami close nun e."pagsisinungaling ko at napasimangot naman sya "Sige na nga.Dyan ka lang Ate Alisha,naiwan ko pala sa labas yung make-up kit!"sigaw ni Lily at patakbong lumabas ng pinto. Nagchat muna ako kay Alas habang hinihintay si Lily.Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang assistant ni Anya,hindi si Lily.May dala syang make-up kit habang naglalakad papalapit sakin. "Miss Alisha,inihabilin po kayo sakin ni Lily.May family emergency daw po sya e."wika nito habang binubuksan ang make-up palette at nagmamadali nyang isinawsaw dun ang brush nya. Napangiti naman ako dahil sa mga ikinikilos nya.Hindi sya masyadong magaling sa pag-arte. Pagbukas nya pa lang ng make-up palette ay may kakaiba na akong naamoy.It's a smell of a chemical that can burn a skin. Bago pa man dumapo ang brush nya sa mukha ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa desk at pasimpleng tinabig ang tubig para matapon iyon sa make-up palette. "Oh my god!I'm so sorry!Nabasa ko yung make-up palette mo!"i shouted while wearing my professional worried face Hays,Anya.You never change.Still using your old tactics. Do you really think that you can still fool me? ----- Masakit ang paa ko habang naglalakad pauwi sa bahay.Bukod dun sa make-up ay wala na akong ibang naencounter na katangahan ni Anya. Nagshooting lang kami ng minor scene pero sumakit na agad ang paa ko dahil ilang oras ako nakatayo habang naka-heels.Gabi na nga kami nakauwi dahil nagkaka-ilangan pa ang mga main lead. "Alas,Mommy is home!"sigaw ko pagpasok ng bahay Wala si Alas sa living room at nakasarado lang ang laptop nito na nakapatong sa lamesa. Aba,himala. Pero naririnig ko ang tunog ng tilamsik ng mantika na nangagaling sa kusina. "Mommy!" Napangiti ako ng patakbo akong sinalubong ni Alas at niyakap ako ng mahigpit. Natigilan ako ng marealize na may isang lalaking nakatayo sa kusina habang nakasuot ng apron at nagluluto. Bakit sya nandito at bakit sya nagluluto sa pamamahay ko?! "P-president Han?"nauutal ko pang wika at nakangiti syang lumingon sakin bago nya pinatay ang kalan. Hinubad nya ang apron nya at bigla akong niyakap. "Welcome home,wife!" Wife?! Who in the hell is his 'wife'?! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD