[30:Seperated] -Aushi's Pov- Ramdam ko ang pagtulo ng malamig na pawis ko.Nanginginig ang mga daliri ko habang nilolocate ang cellphone ni Alisha. Aabutin pa ako ng ilang oras bago makuha ang exact location nya. "Drake,call the police.Magsasama tayo ng ilan,incase they were armed."utos ko kay Drake at tumango naman sya Hindi ko alam kung ano ang motibo nila.Kase kung ransom ang gusto nila,bakit ako ang tinatawagan nila. "President Han!Si Alas!" Napalingon ako kay Drake na may tinuturo sa kalsada.Pagtingin ko dun ay agad kong natanaw si Alas.Agad kung inilapag ang laptop ko at tumakbo papunta sakanya "Alas!" Nang madako ang tingin nya sakin ay nagmamadali syang lumapit. "Daddy,nasaan si Mommy?"unang tanong nya sakin na ipinagtaka ko Hindi nya kasama si Alisha? "Nawawala rin ang

