"Let's go to a haberdashery store, I want to buy a tie and maybe a pair of boxer." Sambit ni Pietro at tumango-tango lamang si Tiara bilang pagsang-ayon. Nang marinig niyang banggitin ni Pietro na baka bibili ito ng boxer ay bigla niyang naalala na wala rin siyang underwear, hanggang ngayon ay ang kulay puting versace brief pa rin ni Pietro ang kanyang suot, sa sobrang komportable niya na suotin ang mga gamit ni Pietro ay hindi niya na naisip pa na kailangan niya rin ng underwear, parang nakakahiya naman kung palaging mga brief ni Pietro ang susuotin niya. "What are you thinking?" Untag sa kanya ni Pietro at naramdaman niya ang paghigpit nang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "Ha? Ah, I just remember that I also need a pair of underwear or maybe more." Pag-amin niya rito at hindi niya

