Nag-init ang mga pisngi ni Tiara, kanina pa silang dalawa ni Pietro tahimik. Walang gustong bumasag sa katahimikan matapos nilang pagsaluhan ang isang halik. "Pasensya ka na kung hindi ako nakapagtimpi. It's just that nakakaadik lang talaga ang labi mo." Paliwanag nito sa kanya, nagtagpo ang kanilang mga mata kasabay ng malakas na pagkidlat, dahil sa gulat ay napayakap siya kay Pietro. Walang tigil ang pagkidlat at mas lalo pa atang lumalakas ang ulan. "Paano na tayo rito? Mukhang babahain na ang daan." Nag-aalala niyang tanong. Hindi pweding magpalipas sila ng gabi sa kotse, mukha kasi talagang babahain na sila. Hindi na nga niya nakikita ang sementadong daan, tanging tubig na lamang ang nakikita niya sa labas. "Don't worry, hindi papasok sa loob ng kotse ang tubig, at tsaka sa tingin

