"Pietro?" Sabay na napatingin si Tiara at si Pietro sa kanilang likuran nang marinig nilang may tumawag sa pangalan ni Pietro. Buong akala ni Tiara ay bumalik na si Daniel pero napakunot na lamang ang kanyang noo nang makitang hindi pala si Daniel ang tumawag kay Pietro. "I thought I was just imagining when I saw you, bro. It's been so long." Sambit ng lalaki nang makalapit na ito kay Pietro. Hindi niya mapigilang magtaka dahil pangalawang beses na itong lalaking ito na nagsabing matagal na mula nang huli nilang makita si Pietro. "Yeah, it's been so long, Sebastian." Walang emosyon na tugon ni Pietro at mukhang nahalata iyon ng lalaki kaya naman inilihis nito ang tingin patungo sa kanya, napalunok na lamang siya ng laway nang magtagpo ang kanilang mga mata. Hinintay niyang ipakilala siy

