Nakatitig lamang si Pietro kay Payton na abala sa paglalagay ng bala sa hawak nitong baril. Inaya siya ni Payton na magtungo rito sa shooting range at nang tanungin niya ito kung bakit bigla itong nag-aya na magtungo rito sa shooting range ay wala itong sinabi at basta na lang na binaba ang telepono nito. Hindi niya mapigilang mainis nang babaan siya nito ng telepono pero ipinagsawalang-bahala niya na lang muna iyon dahil mukhang problemado si Payton base na rin sa tono ng boses nito na parang may hang-over pa. "Join me here, Pietro. We need to be a sharp shooter since we don't know when will gonna need to use a gun. Kapag dumating na ang panahon na kailangan na nating gumamit ng baril, at least we already know how to kill our target." Makahulugang sambit sa kanya ni Payton dahilan para m

