"Akin na si Leo, Tiara, Akin na siya." Sigaw sa kanya ni Selena, hindi alintana kung makabulabog man ito sa mga kapitbahay niya.
"Oo sayo na siya, isaksak mo pa siya sa baga mo hanggang diyan sa bilbil mo para hindi na maagaw pa ng iba." Ganting sigaw niya rito, agad naman itong napatingin sa may tiyan niya at biglang umasim ang ekspresyon.
"Wala akong bilbil, tangina mo. Akin lang si Leo at sa oras na ahasin mo siya sa akin, humanda kang bruha ka." Banta nito sa kanya. Nagulat siya sa inasta nito, ito pa talaga ang may ganang pagsabihan siyang huwag ahasin si Leo, ito pa talaga ang may ganang sumugod sa kanya para lang sabihing pag-aari nito si Leo. Bilib din naman siya sa kakapalan ng mukha nito.
"Bakit ba parang takot na takot ka? Diba sabi mo mas masarap ka sa akin sa kama? Pinagsawaan ka na ba niya? Ngayon alam mo ng katawan mo lang talaga ang habol niya. Kawawa ka naman." Hindi niya mapigilang hindi mangiti dahil sa biglang paglukot ng mukha nito, apektado ito sa sinabi niya. Bago pa man ito tuluyang mag-eskandalo ay pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Patuloy ito sa pagpindot sa kanyang doorbell pero hindi niya na lang pinansin ito. Pumasok siya sa kanyang kwarto at agad humiga sa kama. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa may ibabaw, alas-siyete pa lang ng umaga, makakahabol pa siya sa kanyang trabaho. Kahit medyo masakit pa ang kanyang ulo at katawan ay pinilit niya maligo para mahismasan ang kanyang katawan. Habang nakalublob ang kanyang katawan sa bathtub ay bigla niyang naalala ang kanyang kotse, sa pagkakaalala niya'y nasa parking lot pa rin iyon ng bar na pinasukan niya kagabi.
×××
"Good morning, Tiara." Bati sa kanya ni Beth, isa sa mga kasamahan niya rito sa Dedona University, kagaya niya'y History din ang course na itinuturo nito. Ginantihan niya rin ito ng bati at naupo na sa kanyang table, silang dalawa pa lang ang nasa loob ng faculty, nasa klase na siguro ang iba nilang kasamahan. Kinuha niya sa may cabinet ang kanyang libro at nagpaalam na kay Beth na mauuna na siya rito.
"Sorry I'm late class, please do open your books on page 197." Saad niya pagkapasok sa kanyang unang klase. Inilapag niya ang kanyang libro sa mesa at binuksan ito sa pahina ika-197. Huminga muna siya ng malalim bago sinimulan ang klase. Hindi rin tumagal ang kanilang talakayan ng tumunog ang bell hudyat na tapos na ang kanyang klase, nagsilabasan na ang kanyang mga estudyante habang siya'y naupo muna. Iniisip niya kung ano ba itong nangyayari sa kanya? Gusto niyang magmukmok sa kwarto dahil hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang sakit na ginawa sa kanya ni Leo, pero wala namang mangyayari kung magmumukmok siya sa loob ng kanyang kwarto, kailangan niya lang tatagan ang kanyang sarili, mawawala rin ang sakit na dulot nito.
Lumabas siya ng classroom at nagtungo sa cafeteria ng school, pero mukhang mali ata ang desisyon niyang magtungo roon dahil naroon si Selena. Diyos ko, baka mapaaway siya kapag palagi silang nagkikita ng babaeng 'to, nakalimutan niyang instructor din pala ito sa skwelahang iyon, constitution naman ang itinuturo nito pero mukhang hindi ata nito masyadong naiintindihan ang Law ng bansa, mukhang kagaya rin ito ni Mocha na umabot ng article 264 ang nabasa, kung saan nila nakuha ang mga article na 'yon wala na akong pakialam, sa sobra sigurong dami ng article na nabasa nila kaya nagkandagulo-gulo na ang isipan nila, ang mga illegal naging legal na.
Hindi niya pinansin si Selena pagkapasok niya sa loob ng cafeteria. Umorder lang siya ng spaghetti at shake pagkatapos ay naghanap ng bakanting mesa, buti na lang at may bakante pa kahit na medyo malapit ito sa pwesto ni Selena. Inilapag niya ang kanyang inorder sa mesa, alam niyang nakatingin sa kanya si Selena pero hindi niya pinansin iyon, bakit parang baliktad ata sila? Diba dapat siya ang magalit dito? Kapal talaga ng babaeng 'to, pero bahala siyang magalit. Inumpisahan niya ng kainin ang kanyang spaghetti ng biglang may umupo sa harapang upuan. Sino pa nga ba? Edi ang Selena na namang walang magawa, kapag siya napuno rito talagang makakatikim 'to sa kanya. Hindi niya ito pinansin pero tinitingnan niya ito through peripheral vision niya, mukhang kumukulo na naman ang dugo nito, hindi niya alam na may ganito palang ugali ang impaktang kaibigan niya.
"Well, well, well." Saad nito at pinandilatan siya ng mga mata.
"Pwe, don't act like you're Angelina Jolie, hindi bagay sayo, masyadong maganda si Angelina kumpara sa'yo." Saad niya rito at tumawa ng mapakla.
"Kung ikukumpara naman sa'yo, mas maganda ako, alam mo kung bakit? Kasi mas pinili ako ni Leo kaysa sa'yo." Saad nito, bumalik na naman ang galit na naramdaman niya noong mahuli niya ang dalawang nagtatalik. Pinipigilan niyang sampalin ang babae, maraming tao sa paligid kaya kung siya ang mauunang sumampal siya ang magiging kontrabida.
"Talaga lang ha? Pinili ka ba niya o naging parausan ka lang niya? Dahil kung pinili ka talaga niya hindi ka dapat nag-aalburutong parang bulkan na para bang ikaw ang inagawan, tandaan mo Selena, ako ang inagawan, hindi ka mahal ni Leo, parausan ka lang niya, hindi ko naman siya masisisi, isa ka kasing tangang hayok sa hotdo---." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng maglanding ang kamay nito sa kanyang pisngi, nginitian niya ito ng isang ngiting tagumpay, iyon lang talaga ang hinihintay niyang gawin nito. Kinuha niya ang platong may lamang spaghetti at agad isinaboy sa mukha nito, binuksan niya ang shake at ipinaligo niya rito, nagkikikisay ito sa lamig. Lahat ng tao sa cafeteria ay nasa amin ang atensyon. Wala na siyang pakialam kung magmukha man siyang kontrabida.
"WHAT THE f**k!" Mura nito habang tinatanggal ang pasta na kumapit sa mukha nito.
"Alam mo Selena? Kung gusto mo talaga si Leo edi sa'yo na siya, iposas mo sa kwarto mo nang 'di na makawala sa'yo, sa susunod na lalapitan mo pa ako para sabihing pag-aari mo si Leo, hindi lang iyan ang mangyayari sa'yo." Saad niya kay Selena at agad na tinalikuran ito at lumabas na ng cafeteria, sana talaga matauhan na ang impaktang iyon.
×××
Nasa loob ng bar si Tiara, naisipan niyang uminom muna bago kunin ang kanyang kotse, hindi naman siya magpapakalasing pero parang gusto niyang uminom, pampamanhid ng nararamdaman. Matapos maubos ang isang bote ng beer ay lumabas na siya ng naturang bar at hinanap ang kanyang kotse sa may parking lot, buti na lang at wala masyadong sasakyan doon dahil sa alas siyete pa naman at mamayang mga alas diyes ng gabi pa siguro ang dagsa ng mga customer ng bar. Papasok na siya sa kanyang kotse ng may tumawag sa kanyang pangalan, inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid, nakita niya si Pietro na nakapameywang sa kotse nito. Hindi niya alam kung ano ang itutugon dito kaya naman tinaasan na lang niya ito ng kilay.
"Fierce." Nakangising turan nito habang papalapit sa kanyang pwesto. Napalunok na lamang siya habang palapit ito ng palapit, hindi niya masyadong napuna ang pisikal na anyo ng lalaki nung una silang magkita sa kadahilanang lasing siya at masakit ang kanyang ulo't katawan para punahin ito, pero ngayong nasa normal na kalagayan siya'y hindi niya mapigilang mamangha sa lalaki. Nakasuot ito ng corporate suit pero hindi niyon matatago ang taglay na kakisigan ng lalaki, napaka-itim ng kulay ng kanyang mga mata, matangos na ilong at ang mapula nitong labi na kumikinang sa tuwing nalalapatan ng ilaw.
"Ahem." Agad niyang inilihis ang tingin kay Pietro, napuna siguro nitong tinititigan niya ito. Umakto na lamang siyang di apektado sa presensya nito.
"A-ah, uhm. May kailangan ka?" Kandautal-utal niyang tanong dito.
"I just want to invite you for dinner." Saad nito, hindi niya mawari kung kinakabahan ba ito o ano. Nabigla siya sa alok nito, bakit naman kasi siya nito iimbitahing mag-dinner? Hindi naman sila magkakilala.
"I'm sorry pero marami pa kasi akong gagawin." Nakagat niya na lamang ang kanyang ibabang labi, ewan niya parang gustong sumama ng kanyang katawan pero pinipigilan siya ng kanyang isipan.
"Oh. Okay, then I have to go, see you when I see you, Tiara." Saad nito at tumalikod na, napalunok na lamang siya, nagtatalo ang kanyang isipan at katawan.
"Wait." Mariin niyang tawag dito, humarap ito sa kanya at ang kaninang nanlulumong itsura ay napalitan na ng saya na para bang alam na nito kung ano ang sasabihin niya.
"Uh, hindi naman siguro tayo magtatagal diba?" Mas lalo pang lumawak ang ngiti nito at tumango-tango bilang sagot sa tanong niya.