CHAPTER 10 KINABUKASAN ay nagkaroon ng bisita si Gabriel. It was his cousin, Rusty. He has the same physique with Gabriel. Ang pinagkaiba nga lang nang dalawa ay mas tahimik si Rusty. Hindi palaimik at masiyadong seryoso kung titignan. Malaki din at batak na batak ang pangangatawan. Kung titingnan ng mabuti, siya ang klase nang taong hindi ka magkakamaling babanggain dahil sa nakakatakot niyang awra. Kilala din siya sa buong lungsod. Hindi ko man siya kadalasang nakikita ay alam kong napakadelikado niyang tao. Some says, he can easily reject a girl in a snap. Malamig siyang makitungo sa ibang tao at walang nababalitaang may nobya ito. Rumors says that he might be gay. Pero sa nakikita ko ngayon ay hindi naman iyon totoo. Malayong malayo sa pinapaniwalaang chismis. “Gabriel..” Tawag ko

