CHAPTER 5 NAKAUWI kami ng walang imikan at kahit hanggang sa nahatid ko siya patungo sa truck niya ay hindi ko na siya kinausap at gayon din siya sa akin. Tinulungan ko na lang siyang ayusin ang mga gamit niya. He glanced at me but I didn’t look at him. The severity of my actions earlier is précised. Kung hanggang kaya kong maging malamig ang pakikitungo ko sa kanya ay gagawin ko. Huwag lang ako ulit madikit sa kanya. Totoo nga ang sinabi ni Terry, Gabriel is a very dangerous man when you get to know him more. The more you are intrigue about him, the more you are in danger. “So, I guess I’ll see you at the party tonight?” He asked me. Nagulat ako sa agarang tanong niya kaya nabitawan ko ang bag niyang muntik ko na sanang ilagay doon sa likod ng truck niya. Mabilis siyang yumuko at halos

