CHAPTER 22 TIPID akong napahalukipkip sa tabi at hinayaang si Mhel na lang ang kumausap sa mga bagong dating. Pilit man akong sinasama ng kaibigan ko sa mga usapan nila pero nanatili akong tahimik habang tinitingnan ang natutulog na mukha ni Nicholas. Ang mga bantay sa labas kanina na pinagdiskitahan namin ni Mhel ay gising na. Wala akong pag-aalinlangan na humingi ng tawad sa kanila. Despiradong desperado lang talaga akong malaman ang kalagayan ni Nicholas at hindi ko na naisip pang hindi sila patulan kanina lalo na’t naging agresibo din sila sa pag-atake sa amin. Bahagya akong napaigik ng maramdaman ko ang pagsakit ng kamay ko. Namumula ito at namamaga. It’s been a long time since I’ve been in a fight, and I almost forgot how fragile my skin is. “Are you fine, Tam?” Biglang tanong ni

