A/N: Enjoy reading... ---------------------------------------------------------------------------------------------------------- CHAPTER 19 ILANG araw ang lumipas at sa bawat minutong nagdaan ay hindi ko mapigilang hindi mangamba sa mga maaaring mangyari. Maaaring mabaliw ako at kasunod niyon ay hindi ko na alam ang gagawin. Ilang beses akong hindi makatulog at napapansin na din ni Nanay ang madalas kong pagpupuyat sa gabi kapag binabangungot ako. Minsan, nagigising nalang akong umiiyak at awang awa ako sa sarili ko. At kapag dinadalaw ako ni Gabriel o namamasiyal kami ay pilit kong pinapatatag ang sarili ko na maging masaya sa harap niya. I was traumatized from what happened. I was betrayed and cruel vengeance was given to me. Kahit sino ay maaring kakayanin iyon pero magkakaroon ng

