Maagang nagising si Glenn. Marahan siyang gumilid saka tumingin sa pigura ng asawa. Payapa pa rin itong natutulog sa oras na iyon. "Sleepy head..." he softly touch her hair and pull over the comforter to her naked body. Magaan ang ginawa niyang pagtabon rito. Gayundin ang pagtayo niya, nasulyapan pa niya ang sariling kahubaran sa salamin. Dinampot niya ang roba na nasa gilid ng bedside table saka isinuot iyon. Marahan siyang nagpunta sa kusina at tiningnan ang mga nandoon. Binuksan niya ang fridge at namili ng lulutuing ulam. Egg omelet ang naisip niya at ang sausage roll na pwede niyang iprito. Nag-sautee siya ng ilang garlic para gumawa ng garlic rice. Nakangiti siya habang naghahanda doon. Nasa isip pa rin niya ang nagdaang gabi. Alam niyang napagod si Cadnys dahil sa kaniya. So, bi

