Pumunta na sina Cadnys at Glenn sa ice cream shop na malapit sa simbahan. Medyo walang tao sa shop na iyon kaya madali lang din silang nakapag-order at pumili ng pwesto ng upuan. Habang umo-order si Glenn ay nakita niyang palinga-linga si Cadnys na parang may hinahanap. Alam niyang hinahanap nito ang lalaking si Calvin. Mas lalong sumingkit ang mata ni Glenn nang makita ang pigura ng lalaking medyo may kataasan na siyang tumabi sa upuan ni Cadnys at nakipagbeso-beso rito. "The nerve!" mahinang sambit niya sa sarili habang pinipigilang hindi matapon ang tray ng ice cream na siyang hawak niya. Kinakalma niya ang sarili na hindi makagawa ng komosyon habang papalapit siya sa dalawa. "Oh, here he is. Hon, remember Calvin?" sabi pa ni Cadnys na tinulungan ang asawa sa dalang tray. Medyo n

