CHAPTER 3

1794 Words
NANG makalabas ng restaurant ay hindi muna ako bumalik sa aking silid. Naglakad-lakad muna ako sa tabing dagat at lumanghap ng sariwang hangin. Nag-text na rin ako kay daddy para ipaalam dito ang tungkol sa napag-usapan namin ni Ma'am Melai kanina. Habang hinihintay ang reply ni daddy ay naupo muna ako sa buhanginan. Pinanood ko ang paulit-ulit na paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Nakaka-relax iyong pagmasdan. "Miss!" Natigilan ako nang muling marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Napatingin ako sa pinagmulan ng tinig. "Ikaw na naman?" naiinis kong bulalas nang muling makita ang makulit ngunit gwapong lalaki na kanina lang ay nakasabay kong kumain. Napabuga ako ng marahas na hangin nang bigla siyang maupo sa tabi ko nang walang pasabi. "Ano na naman ba ang kailangan mo?" "Naiwan mo 'yong pouch mo sa resto kanina," nakangiting wika niya sabay taas ng isang pink na pouch. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang hawak niya. Sa sobrang pagmamadaling makalayo kay Rome kanina ay hindi ko namalayang naiwan ko pala ang pouch ko sa lamesa. Unti-unting nagliwanag ang aking mukha. Importante pa naman ang laman ng pouch na ito dahil nandito ang pera at atm card ko. Sa unang pagkakataon ay nginitian ko si Rome. Napalitan akong pakitunguhan siya nang maayos dahil sa ginawa niya. "Thank you," naasiwa kong wika tapos ay kinuha na sa kaniya ang pouch. "Siguro naman puwede ko nang malaman ang pangalan mo." Hindi na ako nagdalawang isip pa. Nilahad ko sa harap niya ang kanang kamay ko para makabawi naman ako sa ginawa niya. "Lacey Castillo." "A lovely name for a lovely lady." Nag-blush ako sa simpleng papuri na iyon. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ko. "I'm Rome." Naramdaman ko ang masuyo niyang pagpisil sa palad ko. Nakaramdam din ako ng kakaibang init na gumapang sa katawan ko. Agad ko nang hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Finally, nagkaro'n din ako ng chance na maka-usap ka," nangingiting wika niya. "Buti na lang talaga naiwan mo ang pouch mo kanina. Kung nagkataon, hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako ng paraan kung paano ako mapapalapit sa 'yo." Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa sinabi niya. Ilang beses ko kasi siyang sinungitan, simula pa kaninang umaga sa bangka. "Pasensya ka na. Medyo suplada talaga ako kapag 'di ko kilala ang isang tao," nahihiyang pag-amin ko. "Saka bad trip kasi ako kanina. Dapat kasi kasama ko ang daddy ko rito. Kaya lang bigla siyang nag-back out at sumama sa barkada niya." "I see. Kaya pala." Tumango-tango siya. "Akala ko heart-broken ka kaya ka nag-beach mag-isa." Bahagya akong natawa. "Nag-travel lang mag-isa heart broken agad? Hindi ba puwedeng gusto ko lang takasan sandali ang magulong buhay ko?" "Well, hindi ka nagkamali ng lugar na pinuntahan." Tumayo si Rome at nilahad ang kamay sa harap ko. "Don't feel bad. Masaya ang night life dito sa Puerto Galera. Siguradong mag-e-enjoy ka kahit wala ang daddy mo." Noong una ay nag-aalangan akong tanggapin ang kamay niya. Subalit nang maisip ko ang 'utang na loob' ko kay Rome ay napilitan na rin akong sumama sa kaniya. Ayokong pakitaan siya ng hindi maganda pagkatapos niyang isauli ang pouch ko. Naglakad kami palapit sa mga fire dancers at pinanood ang mga iyon. Ito ang unang beses na nakakita ako ng fire dancers kaya naman amaze na amaze ako sa kanila. Mayamaya ay kinunan ko ng videos ang performance nila gamit ang cellphone ko. "Akin na 'yang phone mo. Piktyuran kita." Inagaw ni Rome ang hawak kong cellphone tapos ay sinenyasan akong lumapit sa fire dancer na nasa harapan namin. "Ayoko. Parang nakakatakot." "Don't be scared. Mga professional ang mga 'yan." Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago lumapit sa dancer. "Good evening. Puwedeng magpa-picture?" Nginitian ako ng babae. "Sure!" Sandali nitong tinigil ang pagpapa-ikot sa hawak na fire poi. Tumayo ako patalikod sa harapan ng babae. "Relax lang, ma'am. Huwag po kayong malikot," paalala nito tapos ay sinimulan nang paikutin ang fire poi sa paligid naming dalawa. Noong una ay natatakot ako dahil baka mapaso ako sa apoy. Ngunit habang nakikita ko ang apoy na paikot-ikot sa hangin ay naging panatag din ang aking pakiramdam. Pagkalipas ng halos dalawang minuto ay unti-unting bumagal ang galaw ng dancer hanggang sa tuluyan itong huminto. "Okay na po, ma'am. Thank you po." "Thank you rin." Naglagay ako ng isang daan sa tip box na malapit sa paanan ng dancer. Tapos ay tila isang bata na tumakbo ako palapit kay Rome. "That was amazing!" aniya tapos ay pinakita sa akin ang mga pictures at videos namin ng fire dancer kanina. "Wow!" Namimilog ang mga mata ko habang pinapanood ang video. Ang sarap panoorin ng umiikot na apoy sa paligid ko habang nakatayo ako. "Ang ganda." Mayamaya ay binalik na ni Rome sa akin ang cellphone. "Gusto mo piktyuran din kita?" "Hindi na," tanggi niya. Nagulat ako nang bigla niyang punasan ng panyo ang pawisan kong noo. "Thank you." Isang matamis na ngiti lang ang sinukli niya sa akin. "Grabe! Ang saya pala ng night life dito." "Totoo 'yan. Kaya nga madalas akong magpunta rito kapag nai-stress ako sa trabaho." Pinagpatuloy na namin ang paglalakad. Mabagal lang ang aming mga hakbang dahil nalilibang kami sa mga natatanaw sa paligid. Pakiramdam ko ay biglang naglaho ang harang sa pagitan naming dalawa. Kampante na ako ngayon sa presensya niya. Mayamaya ay nag-ayang mag-bar si Rome. Subalit tumanggi ako dahil ng mga sandaling iyon ay nakaramdam na ako ng antok. Ihahatid niya sana ako pabalik sa resort kaya lang ay biglang may tumawag sa cellphone niya. MAG-ISA akong nag-aalmusal sa dining area ng resort nang biglang may humintong lalaki sa tapat ko. Nag-angat ako ng tingin. "Good morning, Lacey!" todo ngiting bati ni Rome sabay lapag ng tray na may lamang pagkain sa ibabaw ng lamesang inuukopa ko. Natigilan ako sa pagkain at kunot noong tumingin kay Rome. "Anong ginagawa mo rito?" "Sasabayan kitang mag-breakfast." Naupo na siya sa bakanteng silya sa tapat ko. "Parang gusto ko nang kabahan sa 'yo. Ang lakas mong maka-stalker." Isang ngiti lang ang naging tugon niya sa akin. "Wala ka bang ibang kasama?" "Wala. Tulad mo mag-isa lang din akong nagpunta sa beach na 'to." "Heart broken?" "Nag-travel lang mag-isa heart broken agad? Hindi ba puwedeng gusto ko lang takasan sandali ang magulong buhay ko?" Inikutan ko siya ng mga mata. Iyon kasi ang linyang sinabi ko sa kaniya kagabi. "Gaya-gaya." Mahina siyang natawa. "Seriously, nauumay na ako sa apat na sulok ng office ko. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga tambak na papeles, ang secretary ko at ang mga mukha ng mga empleyado ko. Gusto ko naman makalanghap ng sariwang hangin." Tumango-tango ako. "I need to take a break kaya kahit mag-isa lang ako, nagpunta ako sa beach na 'to. And so far, it's been the best vacation of my life kasi nakilala kita." "Bolero." "Seryoso ako, Lacey." Kinuha niya ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Anong ginagawa mo? Akin na ang phone ko." Agad akong kumilos para bawiin iyon sa kaniya ngunit hindi ako nagtagumpay. "Wait lang ilalagay ko lang ang number ko." Nagpipindot siya sa cellphone ko. Mayamaya ay tumunog ang cellphone niya na nakapatong din sa lamesa. "Snatcher." Inirapan ko siya. "I wish I could snatch your heart as well." Nilapag na niya sa ibabaw ng lamesa ang cellphone ko. Kumislot ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Napakatamis talaga ng dila ng lalaking ito. Siya na yata ang pinakabolerong lalaking nakilala ko. "Napakabolero mo talaga. Playboy ka siguro." Muli siyang natawa sa sinabi ko. "Of course not. Nagsasabi lang ako ng totoo." Napa-iling na lang ako. "May boyfriend ka na ba?" Hindi na ako nagulat pa sa tanong niyang iyon. "Wala." "Sakto-" "Wala akong planong mag-boyfriend sa ngayon," agad kong putol sa sinasabi niya. "I understand. I'm willing to wait hanggang dumating ang time na gusto mo nang pumasok sa isang relasyon." Mataman kong pinagmasdan ang mukha ni Rome. Seryosong-seryoso iyon. Pinag-krus ko ang mga kamay sa tapat ng aking dibdib. Sa totoo lang ay kagabi ko pa ito gustong itanong sa kaniya. "Ilang taon ka na nga pala, Rome?" "Getting to know each other stage na ba 'to?" nangingiti niyang tanong. "I-I'm just curious." "I'm 42 years old." Nagulat ako sa naging tugon niya. Hindi ako makapaniwala na 42 years old na siya. Mukha kasi siyang bata sa edad niya. Akala ko ay nasa-mid 30's lang siya. Tatlong taon lang pala ang tanda ng daddy ko sa kaniya. He's too old for me. "Ang sabi nila 'age doesn't matter'. So, I hope it won't bother you." Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. "Ilang taon ka na nga pala, Lacey?" "24." Nakita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata. "Ang bata mo pa pala." "Bakit? Mukha ba akong matanda sa edad ko?" "No! No! That's not what I meant," agad niyang bawi. "If ever, ngayon lang ako magkakaro'n ng girlfriend na mas bata sa akin." "Wow!" Napa-iling ako. Natatawa. "At confident ka talaga na magiging girlfriend mo ako?" "Bakit? Ayaw mo ba?" Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong niya. Though aaminin ko, unti-unti nang gumagaan ang loob ko kay Rome. Iyon nga lang, masyadong malaki ang agwat ng mga edad namin. Halos tatay ko na siya kung tutuusin. "O, bakit hindi ka makasagot?" untag niya sa ilang sandali kong pananahinik. Ayokong ma-offend siya sa naiisip ko kaya naman iniba ko na lang ang usapan. "Kumain na nga lang tayo." Nagsimula na kaming kumain. "Ano nga palang plano mong gawin ngayong araw?" Sandali akong nag-isip. Gusto ko sanang mag-island hopping. Iyon kasi ang plano namin ni daddy. Pero dahil hindi sumama ang magaling kong ama, pina-cancel ko ang island hopping package na pina-book ko sa resort. Mabuti na lang at ni-refund nila nang buo ang bayad ko. "Magpapa-massage na lang siguro ako. Tapos magbabasa ng libro sa tabing dagat." "Nagpunta ka sa beach para magbasa ng libro? Paano kang mag-e-enjoy niyan?" "What's wrong with that?" kanda haba ang ngusong tanong ko. "Mas nare-relax ako sa pagbabasa ng libro. Saka alangan namang mag-banana boat ako or mag-island hopping mag-isa, lalo akong nagmukhang tanga no'n." "Gusto mo mag-island hopping tayo? Or jet ski?" "No, thanks." "Come on, Lacey! Don't be a kill joy. Akong bahala sa lahat." Lalo akong tumutol sa sinabi niya. Alam ko kasing mahal ang bayad sa mga water activities. Nakakahiya naman kung siya ang sasagot sa mga iyon. Umiling-iling ako. "Okay na ako sa massage." "Gusto mo i-massage kita?" "Marunong ka bang mag-massage?" "Hindi. Turuan mo ako." "No way! Baka mamaya niyan lalo lang sumakit ang katawan ko sa 'yo." "I'll be gentle," masuyo wika ni Rome tapos ay sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. Mariin akong umiling. "Thanks, but no thanks."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD