PAULINE POINT OF VIEW Pakiramdam ko gumagaan ang pakiramdam ko. Nararamdaman kong may nakalapat sa aking mga labi. Gusto kong idilat agad ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa. Parang ayoko na dumilat dahil natatakot akong baka matapos agad ang masarap na pakiramdam na nararamdaman ko. Nang maramdamang parang wala ng nakalapat sa aking labi ay parang nalungkot ako bigla. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. “Binibini, idilat mo ang iyong mga mata.” Dahil sa narinig kong hindi pamilyar na boses ay agad kong dinilat ang mga mata ko. “Ahh! Ahh!” Napasigaw ako nang bumungad sa akin ang mukha ng hindi ko kilalang ginoo. Napabangon ako kaagad mula sa pagkakahiga. Bigla ring bumukas ang pinto at pumasok doon sila inay at itay. Sumunod ay ang mahal na hari at reyna. “A

