THIRD PERSON POINT OF VIEW Isang araw na ang lumipas at walang nangyaring masama. Pero kahit na ganoon pa man ay hindi sila nakasisiguro. Kapag ikatlong araw na at wala ring nangyayaring masama ay ilalabas na nila ang kautusan na maaari ng lumabas ang mga tao sa kani-kanilang tahanan. Sa ngayon kailangan muna nilang maging sigurado sa hakbang na gagawin. Mahirap na, hindi sila pwedeng makampante. “Kamahalan, ganoon pa rin po ang aming balitang ibibigay. Wala naman pong masamang nangyari sa labas ng palasyo. Ngunit sa aming paglalakad sa damuhan, nakita namin ang kwintas na ito. Wari namin ay sa young master po iyan,” saad ng namumuno sa mga kawal ng palasyo. Ipinakita nito ang napulot na kwintas na ibinalot nila sa tela. Maingat na kinuha ng mahal na reyna ang bagay at nagtataka kung pa

