IKA-PITONG KABANATA

1340 Words
PAULINE POINT OF VIEW Nang makauwi ako sa bahay matapos ang klase, kaagad kong hinanda ang mga kakailanganin kong dalhin bukas. Pagkatapos kong ihanda ang mga 'yon ay katulad lamang sa araw-araw kong ginagawa, nagluluto na ako ng aming hapunan. Malunggay ang niluluto ko ngayong ulam. Pagkatapos kong lutuin iyon ay agad kong sinunod ang pagsasaing. Naglinis din ako ng buong bahay. Pagkatapos ay hinintay na lamang sila inay at itay na makauwi para sabay-sabay na kaming kumain. Wala namang naibigay na takdang aralin sa amin bukod sa mga kailangang dalhin bukas. Nang may kumatok at marinig ang boses nila inay at itay, agad kong binuksan ang nakakandadong pintuan. Nanalangin ulit sila pagkapasok at saka ako naghanda ng makakain sa hapag kainan. Nagsalin na rin ako ng tubig sa kanilang baso para maibsan ang uhaw na nararamdaman nila. “Kain lang po nang kain, inay, itay. Alam ko pong pagod na pagod kayo,” saad ko at ngumiti. “Maraming salamat anak! Tunay na maaasahan ka na talaga!” tugon nila sa 'kin at ngumiti nang malawak. Tinugon ko rin sila ng isang matamis na ngiti. “Ah siya nga po pala itay, inay, maaga po akong aalis bukas. Magtatanim po kasi kami ulit. Nahanda ko na po lahat ng kakailanganin namin kaya hindi niyo na po kailangang mag-alala,” sabi ko saka nagsubo ng kanin na may malunggay. Medyo nag-usap-usap pa kami hanggang sa matapos kumain. Ako na ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan. Nauna na sila inay at itay magpahinga. Ako naman pagkatapos maghugas ay siniguradong wala na kailangang linisin. Dumiretso ako sa aking silid tulugan at nahiga. Nanalangin muli ako bago ipinikit ang mga mata. Kinaumagahan ay maaga nga akong gumising. Mabilisan akong naligo at dahil may tinapay naman, iyon na lang ang kinain ko. Sinabayan ko rin iyon ng paghigop sa mainit na kape. Tulog na tulog pa sila inay. Gumawa ako ng isang sulat na aalis na ako at kailangan ko na pumasok sa eskwelahan. Siniguro kong wala ako kahit isang nakalimutan. Nanalangin ako bago ako lumabas ng aming bahay. Katulad lamang noon, palaging nakaabang sa akin si Achiana. “Magandang umaga, Achiana!” Pagbati ko at ngumiti sa kaniya. “Maganda umaga rin, Pauline! Tara na at baka mahuli tayo sa pagtatanim. Siya nga pala, wala ka bang nakakalimutan?” tugon ni Achiana. “Wala naman na akong nakalimutan. Sigurado ako, paulit-ulit ko na sinigurado. Sandali, ikaw, wala ka bang nakakalimutan?” sagot ko sa kaniyang tanong. “Oo, wala na rin akong nakakalimutan. Tara na,” sagot pabalik ni Achiana. Matapos ang saglit na pag-uusap ay nagsimula na kaming maglakad. Ang damit na aming suot ngayon ay damit para sa pagtatanim. Ang tela nito'y kakulay ng lupa. Ang sapin sa paa namin ay babagay din sa pagtatanim. Dala-dala pa rin namin ang aming uniporme at sapatos sa pagpasok sa paaralan. Nang makarating kami sa tarangkahan agad kaming inabutan ng isang balot na buto. “Salamat po!” saad namin sa nag-aabot niyon bago kami tuluyang pumasok. “Diretso ba sa silid-aralan o sa may bakuran na?” tanong ni Achiana. “Sa silid-aralan yata,” sagot ko sa kaniya. Kaya naman dumiretso kami sa may silid-aralan. Nang makarating kami sa aming silid-aralan ay naroon na halos ng aming mga kaklase. Mukhang inagahan din nila. May parusa kasing papaluin ng dalawang beses sa puwet kung may mahuhuli para sa pagtatanim. Mayroong mga napalo noon dahil nahuli sila. “Ang a-aga pumasok ni Ginang Cecile! P-paakyat na siya! Bilisan n-niyo, umayos na tayo!” saad ni Didian na hinihingal pa. Malamang tumakbo ito. Kaagad kaming umupo sa mga pwesto namin. Nang tumagal ay wala pa rin ang aming guro. Naiinis ang iba kay Didian dahil doon. “Sinungaling ka Didian! Sabi mo nariyan na si Ginang Cecile! Nakakainis ka! Wala pa naman siya!” Naiinis na sigaw ni Tomielle. “Hindi ako nagsisinungaling, Tomielle! Kaya nga hinihingal ako kanina kasi napatakbo ako kaagad patungo rito sa silid-aralan! Ang lakas naman ng loob mong sabihan ako niyan! Hindi ako sinungaling ha!” Naiinis na sigaw pabalik ni Didian kay Tomielle. “Tama si Tomielle, Didian. Kinabahan kaya kami nang sobra! Dali-dali pa kaming napabalik sa sari-sarili naming upuan dahil sa kasinungalingan mo! Wala naman si Ginang Cecile 'e!” Sumang-ayon naman si Artur kay Tomielle. “Bahala kayo kung ayaw niyo maniwala! Kung ayaw niyong pumirmi sa sari-sarili niyong upuam sige! Bahala talaga kayo kapag nahuli kayo ni Ginang Cecile! Hindi naman ako ang mapagagalitan at mapapalo sa puwet kung 'di kayo! Basta sinabihan ko na kayong nariyan na siya. Baka maya-maya dumating na 'yon dito. Sige lang, gawin niyo lang kung ano ang gusto niyo!” Naiinis na namang sigaw ni Didian. “Ano ba naman 'yan?! Manahimik na nga kayo! Wala man o nariyan si Ginang Cecile, pumirmi na lang kayo sa sarili niyong upuan! Paano kung tama si Didian, ha Tomielle at Artur?! Kagaya nang sinabi ni Didian, kung mapagagalitan kayo, bahala kayo!” saad naman ni Achiana na nagpatahimik sa buong paligid. “Tama si Achiana. Manahimik na lang muna tayo at hintayin dito ang ating guro kaysa naman mapalo kayo sa puwet o ano pa man. Libangin niyo na lang muna ang mga sarili niyo,” sabi ko na mahinahon lamang. Wala ng ibang nagtangka na magsalita pa. Binalot na talaga kami ng nakabibinging katahimikan. Maya-maya pa ay dumating na nga si Ginang Cecile. Sumulpot pa ang iba naming mga guro. Mukhang sabay-sabay sila ngayon. Sabagay, araw ng pagtatanim ngayon. Malamang pahapyaw lang ang pagtuturo nila. “Magandang umaga sa inyong lahat!” “Magandang umaga rin po, aming mga guro!” Pagbati namin pabalik habang nakatayo. “Maupo na kayo,” saad ni Ginang Carlina na agad naman naming sinunod. “Ngayong araw na ang araw ng pagtatanim. Bago kayo pumasok ay binibigyan na kayo ng isang balot na buto na itatanim niyo, hindi ba?” Pagsisimula ni Ginoong Fhilip. “Opo... ” “Kung sino man ang balot sa buto ay kulay puting plastik, lumabas at pumila nang maayos,” ani ulit ni Ginoong Fhilip. Kulay puti ang plastik na hawak ko. Si Achiana naman ay asul kaya nagpaalam kami sa isa't isa. Alam kong magkakabukod-bukod kami. Lumabas na ako at saka pumila. Nasa walo kaming kulay puti ang balot na plastik sa buto. “Ngayon naman ang kulay pula ang balot na plastik sa naiabot na buto ay pumila na rin sa labas,” saad ni Ginang Cecile na agad ding sinunod nila Achiana. Nasa sampo sila halos. “At ang huli, ang kulay dilaw ang balot na plastik sa butong nakuha ay pumila na rin sa labas,” saad naman ni Ginoong Wilyam na agad ding sinunod ng iba. Nasa lima naman silang lahat. Pagkatapos n'on ay pinaunang pababain ang linya kung nasaan ako. Sumunod sila Achiana at ang huling linya. Magkakaibang pwesto kaming lahat. Tinuturo pa sa amin kung paano itanim ang butong nasa kamay namin ngayon. Maging kung paano ito didiligan, aalagaan at payayabungin. Pagkatapos n'on ay sinimulan na namin ang pagtatanim. Tumataas-taas na rin ang sikat ng araw kaya halos pinagpapawisan na kaming lahat. Kahit na minsan nangangalay na ay hindi kami pwedeng umangal. Nanatili kaming tahimik habang patuloy na tinatanim ang mga buto. Minsan ay napapabuntong hininga na lang kami. Hanggang sa matapos ang pagtatanim ay naglinis kami ng paa at kamay. Nagpalit din kami ng kasuotan. Sinuot na namin ang aming uniporme at kumain na. Magtuturo pa lahat ng guro namin pero pahapyaw na lang talaga. Halos ang tanong na naman sa ibinigay na pagsusulit sa 'min ay tungkol sa mga bayani. Paano maihahalintulad ito sa halaman. Kung ano ang natutunan namin sa pagtatanim at marami pang iba. “Paalam na sa inyong lahat!” “Paalam na rin po, Ginoong Wilyam!” saad namin pabalik. Nakahinga kaming maluwag lalo na wala ring ibinigay na takdang aralin ang bawat guro. “Umuwi na kayo at magpahinga mga bata,” huling saad ni Ginoong Wilyam bago tuluyang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD