Zenon INIMBITAHAN ako ni Kent sa isang pub house kasama si Anthony. Bibihira lang kaming magkita kaya naman tila iyon ordinaryong gabi. Ayaw sana akong payagan ni Leydell, ngunit binalaan na lang niya ako na huwag magpakalasing. Nang dumating ako sa bar, naroon sila ni Anthony at umiinom. “Himala! Walang babae? May problema?” tanong ko na inabot ang isang bote ng beer at binuksan bago inilapat ang puwitan ko sa isang silya. “Kapatid ko ba si Leydell?” diretso niyang tanong habang umiinom ako ng alak. Halos masinok ako sa likido na dumadaloy sa lalamunan ko nang dahil sa kanyang tanong. “Fvck! Humanap ka naman ng oras para magtanong,” sita ko sa kanya kasabay ng mga pag-ubo. Nabasa nang tuluyan ang suot kong polo kaya sigurado ako na mapapagalitan ako ni Leydell mamaya. Pinunas

