Leydell MORE THAN FOUR YEARS AGO… Ayon kay Lizel, isang buwan na mananatili rito si Carlos para asikasuhin ang kanyang business. Naitanong ko tuloy sa kanya kung sasamahan siya ng lalaki hanggang sa makapanganak siya, ngunit hindi siya sumagot. Nag-aalala ako sa babae. Narito naman ako na handang gabayan siya bilang kabayan niya at kaibigan, ngunit iba pa rin kung si Carlos ang susuporta sa kanya. Sa huli, duda pa rin ako kay Carlos. “May binayaran naman siya para mag-alaga sa akin. Assistant niya sa restaurant dito,” katwiran ni Lizel na hindi makatingin sa akin. “Hahayaan mo na lang ba talaga ito, Lizel? Bakit hindi mo kausapin si Carlos? Siya ang kailangan mo kung sakaling manganganak ka.” “Hindi mo kilala si Carlos, Leydell. H-hindi ako makapagsalita, eh. Hindi ko masab

