"Takot ka yatang mawala sa iyo ang asawa mo, Amanda kaya todo bantay ka ngayon," bulong sa kanya ni Molly nang nasa plaza na sila at naghahanda ang mga politician para sa kampanya. Masamang tingin ang pinukol niya rito. Hindi niya itatago ang inis rito, hindi siya makikipag plastikan rito, tutal matagal na nilang kilala ang isat-isa. Alam niya kung gaano ka plastic si Molly. "Alam mo Molly, kahit hindi ko bantayan ang asawa ko alam kong walang makakaagaw sa kanya, dahil may tiwala ako sa kanya na hindi siya titingin sa ibang babae,'' confident niyang saad kay Molly na masama rin ang tingin sa kanya. "Sigurado ka? Ang taas ng tingin mo sa sarili mo ah!" Taas kilay na saad ni Molly sa kanya. "Hindi mataas ang tingin ko sa sarili ko Molly. May tiwala ako sa asawa ko na hindi niya ko ipag

