Mabilis na lumipas ang mga araw at naging gamay na niya ang mga gawaing pinapagawa sa kanya ni Kian. Sa umaga pag gising niya inihahanda na niya ang mga kailangan nito sa pagpasok sa trabaho habang wala pa ito at nag jo-jogging. Araw-araw isang oras na tumatakbo sa labas si Kian, para nga naman mapanatili ang good health nito, lalo na't subsob ito sa trabaho. Dati walang kasama ang asawa sa pag jogging pero ngayon meron na dahil isang buwan na lang halalan na, kaya delikado na sa asawa niya ang mag isa lumalakad. Kababalik pa lang niya ng San Nicolas at wala pa siyang idea kung sino ang makakalaban ni Kian sa pagka Governor. Basta ang sigurado niya wala na si Vice Governor Larca sa bayan nila, naka kulong pa rin ito kaya panatag siya. Natutuwa siya sa pagsisilbi sa asawa, dahil basta ini

