"Bet ko si Mayor for you, Bettina," bulong ng kapatid sa kanya nang matapos na ang dinner at nagsimula naman silang uminom ng wine habang nagkukwentuhan. Sadya siyang lumayo ng kaunti para masulyapan si Harold mula sa malayo, sumunod naman sa kanya ang Ate Juliet niya at iniwan ang Mommy at Daddy niya at Kuya Charles niya na kausap si Harold habang umiinom rin ng wine. "Thanks,' pasalamat niya sa kapatid at sinulyapan ito. "Any comment about the bouquet he gave you?" She asked her sister. "Wala iyon. And ayoko ng magtanong about it. Ayoko rin bigyan pa iyon ng issue," tugon ng kapatid na hindi man nakatingin sa kanya. Halatang sadya nitong umiwas ng tingin sa kanya. Awkward naman kasi para sa kanilang dalawa ang tungkol doon, although siya may alam siya at ang Ate Juliet niya wala. "Be

