Pakiramdam niya sasabog na ang kanyang puso sa kaba at takot habang nakaupo sa malaking sofa katapat si Harold at buong pamilya niya. Ano man ang mangyari sa kanya ngayon tatanggapin na lang niya, tutal kasalanan naman talaga niya ang lahat. Siya ang gumawa ng problema niya. Ang Ate Juliet lang sana ang pinoproblema ng kanyang pamilya ngayon, pero nakisawsaw pa siya, gaya ng sabi ng Kuya Charles niya. "It's ok, Bettina," bulong sa kanya nv Mommy niya na siyang katabi niya sa upuan. Hinawakan pa ng ina ang kanyang kamay. Marahil ramdam nito ang kanyang takot. Kanina pagbaba pa lamang niya ng hagdan nagtama na agad ang mga mata nila ni Harold. Hindi naman siya nito tinitignan ng masama o ano, pero wala siyang makitang ano pa man sa mga mata nito at gwapong mukha. Mas lalo tuloy siyang nak

