"Akala ko ba may kukunin ka lang dito?" Tanong niya sa asawa nang makapasok sila sa loob ng opisina ng asawa. Napansin kasi niya ang pag lock nito sa pintuan at biglang paghila nito sa kanyang bewang, katulad kanina sa boutique nang mahuli sila ng Mommy niya sa nakakahiyang sitwasyon. "Meron nga, pero mamaya na iyon. Andito na rin naman tayo bakit hindi muna tayo mag stay rito," Kian answered. "Hhmmm...," she said at ginala ang mga mata sa loob ng maganda at malaking opisina ng asawa. Hindi naman ito ang unang beses na nagtungo siya sa opisina ng asawa, pero mukhang ito ang unang beses na kailangan niyang gampanan ang papel niya bilang asawa nito. "I really missed you, sweetheart," Kian whispered to her hear. Pinikit niya ang kanyang mga mata at inihanda ang sarili sa susunod na kaganap

