"You mean itatago mo ko talaga at walang ibang makakaalam na asawa mo ko maliban sa mga pamilya natin? Kahit mga kaibigan natin or malapit sa atin hindi nila pwedeng malaman na mag asawa tayo?" Tanong niya kay Harold matapos niyang marinig ang masakit na salita mula rito. "Exactly, Bettina," tugon nito sa kanya. "And your Dad approved it. Actually siya pa nga ang nag suggest sa akin about that," patuloy nito. Hindi na siya magtataka pa kung sangayon ang Daddy niya na itago siya ni Harold sa mga tao bilang asawa nito. Hindi na rin siya magtataka pa kung nanggaling din sa Daddy niya ang mga sinabi ni Harold na wala siyang maitutulong sa political career nito at makakasira lang siya rito. She knows her Dad really well. Alam niyang sa kanilang tatlo malas, mahina at walang kwenta ang tingin

