"Kian!" Tawag niya sa asawa nang pagmulat niya ng mga mata wala ito sa tabi niya. "Kian!" Tawag pa rin niya rito at napabalikwas ng upo sa kama, ginala ang mga mata sa loob ng silid para hanapin ang asawa, pero wala ito roon. Nalungkot siya dahil umasa siyang sa pagmulat ng kanyang mga mata ay ito ang masisilayan niya matapos ang nangyari sa kanila kagabi. Halos hindi sila tumigil ng asawa sa pagtatalik dahil sobrang miss na miss nila ang isat-isa. Nagbawi sila sa dalawang taon nilang pagkakahiwalay. Sa kanyang pag galaw naramdaman niyang medyo masakit ang pagitan ng kanyang mga hita. Hindi na siya magtataka pa roon dahil halos hindi sila tumigil ng asawa sa pagtatalik. Humugot siya ng malalim na paghinga at sumimangot. Inakala pa naman niya na matititigan na niya ang asawa habang tulo

