Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin makakabalik ang Ate Juliet niya sa bahay nila. Wala din siyang balita sa kapatid. Sinubukan naman niya itong tawagan pero kahit sa kanya ayaw sumagot ng kapatid. Marahil nais muna talaga ng Ate niya na umiwas sa kanilang lahat para hindi ito matungtong ng Daddy niya at Kuya Charles niya. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang magkaharap-harap sila kasama si Mayor Alcantara, kung saan sinuportahan nito ang kanyang kasinungalingan sa mga magulang niya at kapatid. Iyon nga lang matapos ang araw na iyon ay hindi pa sila nag-uusap ni Harold. Wala din siyang idea kung ano ang napg-usapan nito at ng Daddy niya sa loob ng library noong araw na iyon. Hindi naman din kasi siya nagtatanong sa Daddy niya, dahil alam niyang hindi pa umuupa ang galit

