"Who?" Tanong niya muli sa kasambahay nang sabihin nitong may naghahanap sa kanya sa labas ng gate ng kanyang bahay. Pag ahon niya sa tubig sa swimming pool nakita niya ang isa sa mga kasambahay niya na tila hinihintay siyang umabon sa tubig, kaya naman tinanong na niya ito kung ano ang kailangan nito, at sinabi nga nitong may naghahanap sa kanya. "Batang babae po Sir Harold, ang sabi siya daw po si Bettina Mendoza," tugon nito sa kanya. "What Bettina doing here?" Tanong pa niya sa kanyang sarili at winisik ang basa sa kanyang buhok. "Papapasukin ko po ba siya Sir?" Tanong ng kasambahay sa kanya. "Yes, please papasukin mo siya," tugon niya sa kasambahay. 'Sige po Sir,' tugon nito saka na ito mabilis na lumakad. Lumakad naman siya sa may mesa kung saan naroon ang towel niya para punas

