"CALM down, Yohann." Hindi ko pinakinggan ang awat sa akin ng kaibigan. Sunod-sunod kong nilagok ang bote ng alak na agad namang gumuhit sa lalamunan ko. Nang makalahati ko na ang laman ng bote, padabog kong inilapag 'yon sa lamesa habang nagngingitngit ang mga ngipin sa sobrang panggigigil. "Tarantado siya," usal ko, ang tinutukoy ay ang ama. Kung hindi pa nakita ni Renz—isa sa mga kaibigan ko—ay hindi ko pa malalaman na may iba na pa lang karelasyon ang ama ko. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaayaan kami ngayong gabi dito sa bar. "Alam ko, pero huwag mo munang isipan 'yan. Nandito tayo para mawala 'yang problema mo, Yohann," suhestiyon ni Renz. Marahas akong bumuntong hininga at napipilitang tumango. Nakakahiya naman kung pati sila ay madadamay sa init ng ulo ko. "Alam mo, bakit hi

