"I SET you on a date with Mr. Alfredo's son." Natigilan ako sa kinauupuan at puno ng pagkabigla at pagkagulong pinagmasdan ang ama. Ngayong umaga ay ipinatawag niya ako sa opisina niya dahil may emportante raw kaming pag-uusapan, pero sa tingin ko ay hindi naman 'yon emportante. Kakokohan 'yo! "Bakit, 'Pa?" naguguluhan ko pa rin na tanong. Mas lalong naging istrikto ang mukha ng ama ko dahil sa naging tanong ko na 'yon. "You're thirty-one years old already, Chloe. Kailangan mo nang lumagay sa tahimik." Sarkastiko akong natawa. "Nasa tahimik ako, 'Pa." Umiling siya. "Hindi tahimik na 'yan ang tinutukoy ko." Napatitig ako sa ama at hindi malaman ang magiging reaksiyon ko. "I won't force you to someone, pero sana ay huwag mo rin akong pigilan na gawin ito. Kung ayawan mo ang anak ni

