CHAPTER 33: Go with the flow. Atilah's Point of View. Matapos kong gawin ang morning routine ko bumaba na ko at pumunta ng dinning room. Doon nakita ko sila Arthur, Kelvin, Kevin at Tiffany. Tahimik sila na sadyang kinagulat ko. Maiintindihan ko pa kung si Arthur at Tiffany ang tahimik pero yung kambal na araw araw na nakikita kong napakadaldal tapos ganito katahimik? Something is really wrong! "May patay ba? Bakit ang tahimik niyo?" Pangaasar ko sakanila. They look so wasted!! Naalala ko umalis nga pala sila kagabi. Mukang may mga hang over pa tong mga to. "Goodmorning sweetheart" Biglang may yumakap sakin galing likuran. Nanlaki ang mg mata ko. Shiit!! Hindi ako makapalag nasa harap kami ng mga kaibigan niya. His sweet manly scent of bath gel and after shave samahan pa ng mabangong

