Chapter 29 Iyah’s Point of View “Jasper, are you sure about this? Kinakabahan ako.” Sabi ko Papunta kasi kami ngayon sa bahay ng Dad ni Jasper. Sobrang kinakabahan ako. Ipapakilala niya na kasi ako eh. What if hindi ako magustuhan ng Dad niya? What if against siya sa marriage namin? What if ayaw niya sa anak ko? Oh no. Masyado akong napaparanoid. Tsk. “Chill ka lang, Iyah. Cool ‘yon si Dad. Strict pero cool. Kaya ‘wag kang kabahan.” Sagot niya Peste. Lalo akong kinabahan no’ng sinabi niyang strict. Ayos na sana no’ng sinabi niyang cool eh, kaso bumawi din. “Naku, bahala na nga. Kapag hindi ako nagustuhan ng Tatay mo, magpapaka-single mom na lang ako.” Sabi ko “Hindi mangyayari ‘yan Iyah. Ayan ka na naman sa mga negative vibes mo.” Sabi niya Nagpout na lang ako. Hindi ko kasi maiwas

