Chapter 21 Aliyah's POV Sumapit ang gabi. Nakasurvive ako kaninang hapon, at ngayon pinipilit kong saidin ‘yong mga natitira ko pang lakas. Buti nalang weekend bukas, I will have time to rest. Nandito nga pala si Jasper, tumawag kasi siya kanina. Tapos nag alala yata no’ng marinig na parang di ok ‘yong boses ko. Kaya sinundan ako dito para daw sunduin. Kaso di pa ako pwedeng umuwi eh, kaya pinakain ko muna siya at pinaupo do’n sa table. Para di mainip. After almost an hour, pinilit na kong umuwi ni Jasper. Namumutla na daw kasi ako. Kaya sumunod nalang din ako. Nagpaalam na ako kay Sophia, at pumayag naman siya dahil wala naman na daw hinihintay na ibang bisita eh. ‘Yong dalawa naming kaibigan, kanina pa umuwi eh. Sila Thea at Cheena. Palabas na kami ng garden ni Jasper, nakaalalay siy

