I'm hidin' out, so they don't see this part of me
Girls like me don't cry
Girls like me pretend we don't cry- Thuy
“What's with that face? This day is my wedding. Ayokong makitang ganyan ang mukha mo. Pati ako naapektuhan.” Agad akong napabaling kay Camilla at ngumiti sakanya. I can’t believe, ikakasal na rin siya sa wakas.
“Don’t mind me, Camilla. You know, we are happy for you. Malapit mo na ring makamit ang happy ending na hinihintay mo.”
“You know that’s not true. We are no longer the children we imagined we would be when the heroine in the fairytale married and lived happily ever after. But you know what I am certain of? tthat I intend to marry the man I love at gusto kong maranasan mo rin ang ganitong saya. Whatever problem comes, you will both be able to solve it. This will be my next chapter of my life at wag kang nagmamadali dahil darating ka rin doon. Alam mong lahat ng nangyayari saatin ay may dahilan.”
“My gud, you’re truly matured already.” Hindi makapaniwalang saad ko. Yes, she's true to her words. I'm not looking for the perfect relationship; I'm looking for a strong one. Sana mas maging matatag pa ako sa mga pasubok namin.
************
"Why didn't you tell me sooner? Bakit pinatagal mo pa itong relasyon na ito kung alam mo palang hindi mo rin ako kayang mahalin?” May bahid na galit at diin sa bawat salitang binibitawan ko ng sabihin ko iyon sa kanya.
“Gud knows kung ilang beses kong tinangkang sabihin sayo pero ayaw kitang masaktan.”
“Sa tingin mo ba sa ginagawa mo ngayon hindi mo ako nasasaktan? Hinintay mo talagang madiskubre ko lahat-lahat ng pagtratraydor niyo saakin.”
“Sa akin mo na ibuntong lahat ng galit mo. Kung gusto mong saktan ako gawin mo, basta wag mo lang siyang sasaktan.”
“Ang kapal rin ng mukha mong sabihin sa harapan ko iyan. Pero huwag kang mag-alala alam mong hindi ko ugali ang maghiganti. Gusto ko lang sabihin sayo na sana hindi ka magsisi sa mga desisyon mo.”
.
.
.
.
.
“Cut!!” “Good job, guys!” nang marinig kong sinabi nun ng director ay nagpasalamat kaming lahat. We’re going in the next scene.
“First take? Not bad.”napatingin naman ako kay Silver na siyang sumunod pala saakin. “Parang may pinanghugutan ka, binuhos mo lahat ng galit mo saakin kanina. Mabuti na lang hindi sinabi ni Direct kanina na sampalin mo ako. Kung hindi kawawa ang magandang mukha ko sayo.”
“Alam mo bang in character pa rin ako hangang ngayon kaya baka matulayan ko yang sinasabi mo. Wala ako sa mood makipag kwentuhan sayo.”
“Parati namang wala ka sa mood. Alam kong napipilitan ka ring na pakisama ako, sanay na ako.” Tinignan ko naman ito na parang nahihibang. Pasimpleng pangungusenya ang ginagawa niya.
“Wag ako Silver, hindi ako nakokonsenya sa ginagawa mo. Baka lalo kitang masampal.”
“Brutal mo talaga, kawawa ang magiging boyfriend mo kung nagkataon.” Napatigil naman ako dahil sa sinabi nito. Speaking of boyfriend, nasaan na nga pala siya? kanina nakita ko itong palakad-lakad dito akala mo kung sinong busy mas busy pa ata sa director.
“Nakita mo ba si Sage?” mahinang sambit ko at humarap sakanya. Mukha naman itong nagulat pero kalaunan napalitan ng mapanuring tingin. “What?” inosenteng tanong ko lang dito. May mali ba sa sinabi ko?
“Don’t tell me, boyfriend mo nga talaga si Sage?”hindi makapaniwalang sambit nito tinignan ko naman ito ng masama dahil sa lakas ng boses nito. Napatingin naman ako sa paligid kong may nakarinig mabuti na lang at malayo ang mga staff saamin.
“As if, hindi mo alam.” Walang pakialam na sabi ko. Alam ko namang nahahalata niya at wala rin naman akong balak itangi dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko naman siya.
“Whoa, wala akong alam diyan. Ang alam ko lang parang may something sa inyong tatlo pero hindi ko naisip na kayo talaga. Dahil kung titignan mas mahahalatang sila ni Eliza sa sobrang sweet nila.” Lalo ko naman itong sinamaan ng tingin pero hindi ito nakatingin saakin kundi sa ibang dereksyon. Bakit ba napaprangka rin ng lalaking ito? Hindi ko ito masisi. Doon ko na kumperma ang sinasabi nito lalo tuloy hindi gumanda ang mood ko.
“Huwag kang mag-alala hindi ko i-tsitsismis yung nalaman ko.” Inirapan ko lang ito at tuluyan ng umalis. Narinig ko pang tinatawag ako nito pero hindi ko na ito nilingon pa. Hindi ko mapigilan na magkaganito alam kong hindi dapat at kailangan pagkatiwalaan ko yung mga sinabi niya dati, pero hindi ko anong nangyayari sa sarili ko at kinakain na ako ng selos. Gusto ko silang komprontahen pero natatakot ako na baka magdulot ito ng matinding away namin.
Naalala ko nanaman tuloy ang kaninang nasaksihan lang namin ni Silver. Hindi dapat ako magconclude agad sa mga nakita ko pero kanina the way na magkayakap sila. Hindi ko nakikita ang expression ni Eliza pero si Sage makikita mo kung gaano ito nag-aalala para bang ayaw niya mawala si Eliza sa mga sandaling yun. Naiingit ako dahil hindi sila natatakot na ipakita sa ibang tao kung anong meron sila. Samantalang kapag kami ang magkasama para kaming kriminal na nagtatago sa ibang tao.
***************
“Miss Era. Pasensya na po pero i-rereschedule po ang taping niyo. May hindi po kasi inaasahang nangyari. Tatawagan na lang po namin kayo kung kailan ang sunod na schedule niyo.” Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabing yun ng isang staff. I am preparing already for the next scene tapos ganito ang mangyayari.
“Bakit ngayon niyo lang sinabi? Anong dahilan?” si Nancy na ang nagtanong dahil nawala na ako sa mood.
“Hindi ko rin po alam. Pero satingin ko po may kinalaman po doon si Miss Eliza dahil po bigla siyang nagpaalam kay Derek at pinayagan naman agad siya.” napabuntong hininga na lang ako pagkatapos kung marinig yun. Kaming dalawa dapat ang nasa next scene at dahil umalis nga ito kaya wala na ring kwenta pang nandito rin kami. Mas marami pa naman siyang scene sa araw na ito.
“Ganun ba. Sige i-update niyo agad kami kung meron na ng schedule.” Hindi ko na narinig ang iba pa nilang usapan. Ipinikit ko na lang ang mata ko. Gusto ko na ring magpahinga dahil sa nakakapagod na araw na ito.
“Okay lang po ba kayo, Miss Era?” tumango lang ako dito biglang sagot.
“Hmmm. Gusto ko ng magpahinga. Ihatid mo na ako.”
“Sa bahay niyo po ba o sa condo niyo?” napaisip naman ako sa tanong nito.
“Sa apartment na lang namin ng mga kaibigan ko.” Hindi ko alam kung sinong madadatnan ko roon? kung meron ba? Pero kahit wala man sila doon feeling ko hindi pa rin ako nag-iisa. Pero pinagdarasal ko na sana kahit isa man lang sakanila ang nandoon gusto ko lang ng makakasama at mamausap. Kapag sila ang kaharap ko hindi ko kailangang magpanggap sakanila. Namiss ko na rin ang mga babaeng yun mag-iisang buwan na rin simula ng magkita kami. Pero naglaho lahat ng panalangin ko ng wala akong maabutan ni isa sakanila. Gusto ko mang umuwi sa bahay namin pero masyado na akong pagod. Gusto ko lang ng makakasama ngayong gabing ito. Kinontak ko kanina si Sage pero ni isang message wala akong natanggap mula sakanya. Lalong sumasama ang pakiramdam at loob ko sakanya.
“Pakilapag na lang ang mga gamit ko diyan, pwede ka ng umalis kapag natapos ka. Baka lalo ka pang magabihan sa daan.” Bilin ko kay Nancy.
“Mukhang hindi po kayo okay, Miss Era.”
“Huwag mo na akong intindihin. Medyo masakit lang ang ulo ko.” matamlay na saad ko.
“Hindi niyo ho dapat hinahayaan yan baka lalong lumalala ang kondisyon niyo. Bakit hindi niyo ho sinabi agad para nadaan ko na lang kayo sa hospital.”
“Alam mo namang ayoko doon. Bigyan mo na lang ako ng gamot. Pakikuha sa may medicine cabinet sa banyo ko.” Sinunod naman nito ang sinabi ko at ibinigay nito pagkatapos. Nakita ko pa itong may kinuha sa cabinet ko, mga damit pangtulog pala.
“Hindi ko po kayang iwan kayo dito ng mag-isa kaya babantayan ko na lang kayo.”
“Hindi mo kailangan gawin iyan. Sakit lang ito ng ulo mawawala rin ito bukas.”
“Buo na po ang pasya ko. Kahit sa sala niyo na ako matulog, saka hindi pa pala kayo nag-dinner. Magluluto lang po ako saglit para may laman yang tyan niyo bago kayo uminom ng gamot.” Hindi naman na ako nakipagtalo sakanya dahil gusto ko ng itulog ang sakit ng ulo ko.