This love left a permanent mark
This love is glowing in the dark - T.swift
“Come, again?” pag-uulit ko para kasing nabingi ako sa sinabi niya.
“Miss Era. Nakacancel po ang shooting niyo ngayon. Sasabihin na lang daw ulit nila kung kailan ang magreresume. Sorry po.” Huminga naman ako ng malalim at kinakalma ang sarili ko. Well, hindi naman ito first time nangyari saakin na macancel ang shooting ko. Pero ito ang kauna-unahang hindi nila ako inabisuhan man lang. nasa set na ako at nakaready na lahat. Pero pagkarating sinabing hindi pa raw ako kailangan sa set. Hindi ko lang alam, pero parang hindi naman ata ako mahalaga sa project na ito. Iyon lang ang napansin ko. Hindi lang ito dahil sa pagcancel pero maraming instances pa na napansin ako. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila or what.
“Alright, ano pa bang magagawa ko? Nangyari na. Paki-inform na lang ang PA ko kung kailan mareresched.” Gusto ko mang mag-attitude pero alam kong wala ring mangyayari. Baka lalo ko pang palalain ang sitwasyon hindi ako yung ibang artista. Inaamin ko hindi maganda ang ugali ko pero nilalabas ko lang yun kung alam kong hindi ko gusto yung isang tao. Pero sa mga katulad nila, alam kong marami rin silang trabaho at ginagawa lang niya ang trabaho rin niya kaya siguro nakaligtaan nilang sabihan ako. Sa ngayon palalagpasin ko ang nangyari pero ang tanong, anong gagawin ko naman?
Mangambala kaya ako? For sure busy ang lahat. Ito yung mahirap kung kailang hindi ka busy saka naman sila ang busy. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa araw na ito o hindi.
“San ko po kayo ihahatid ngayon, Miss Era?” Napatingin naman ako sa PA ko na kasalukuyan nagmamaneho. Ito ang maganda sa kanya, all around ang kayang gawin kaya siya lang din ang kayang makatiis saakin.
“Hindi ko alam, Beth. Ayoko pa ring umuwi sa bahay.” Hopeless na sabi ko rito. “Ikaw? Anong kadalasang ginagawa mo kapag nabobored ka?” Akala ko hindi niya narinig ang sinabi ko kaya uulitin ko sana ulit pero nagsalita na ito.
“Parang hindi ko pa po naranasan yan, kasi po abala ko ako sa mga pinapagawa niyo. Kaya hindi ko pa naranasang mabored.” Pag-aamin nito.
“Talaga? Ganun ba karami yung pinapakagawa ko sayo? Ibig sabihin kahit nakaleave ka ginagawa mo pa rin yung mga yun?”
“Ahm hindi naman po sa ganun. Ayoko lang po kasing may mga nakakaligtaan kaya minamabuti ko pong maaga ginagawa yung mga iyon. Gusto ko po kasing wala rin akong mga makakalimutan kaya ginagawa ko rin ho iyon ng maaga. Sorry po, Miss Era. Wag niyo hong mamasamain yung sinabi ko.”
“Ano ka ba ayos lang. Mabuti na rin at na laman ko. Saka hindi rason ang pagiging totoo mo sa lahat ng sinabi mo kung iniisip mong sesentatihin kita. Baka nga lalo kita hindi pakawalan dahil sa sinabi mo. Pero ayokong maging forever PA ka. Wala namang masama sa trabaho mo, pero ayokong itago ka rito kung alam ko namang may mas better na opputunity sayo.”
“Ano ba yan, miss Era. Pinapaiyak niyo naman ako sa mga sinabi niyo eh. Ewan ko ba, bakit maraming nagsasabing hindi maganda ang ugali niyo pero hindi naman nila kayo nakakasama.”
“Hayaan mo na yung mga nagsasabi niyan. It's partially true that I don't have the best attitude. Dahil aminin mo rin sa sarili mo na may times na naiinis ka rin saakin kahit hindi mo sabihin.”
“Eh, miss Era alam ko rin po kasi na may mali rin po ako. Kaya never pong sumagi iyon sa isip ko. Pero saan ko po talaga kayo ihahatid? Kung tawagan niyo na lang po kaya si Sir Sage para magbonding kayong dalawa.” Nakalimutan ko. Isa rin siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay. Alam kong hindi naman niya ibubunyag yung relasyon namin dahil kung ginawa niya matagal na niya ng ginawa. Although, nakasama iyon sa contract niya na kung makikialam siya at personal na buhay ko at ipagsasabi iyon kakasuhan ko siya. Ewan, siguro iyon pa rin ang dahilan. Hindi ko alam.
“Baka, busy rin siya. Hindi ko alam ayoko siyang abalahin muna. Nag-memessage naman yun saakin kung wala siyang ginagawa.”
“Malay niyo po, hinihintay niya rin kayong magmessage sakanya. Pansin ko lang po kasi parang diyan na lang kayo nakadepende sa sasabihin niya. Hindi po ba dati kayo po yung kumukulit sa sakanya?”
“Dati, iyon iba naman na ngayon. Masyado ako immatured nun, baka mainis na saakin iyon. Isipin pa niya hindi iconsiderate yung mga trabaho niya.”
“Iba naman po iyon sa sinisabi ko. What I mean is kayo ang magfirst move paminsan-minsan tanungin niyo siya kung free siya ngayon wala namang mawawala kung imemessage niyo siya pero kung hindi nagreply di isa lang ibig sabihin nun. Saka feeling ko namimiss niya na rin yung pagiging makulit niyo, sa tingin ko nga isa iyon sa rason na lalo niya kayong nagustuhan.”
**************
Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Beth sa gusto niyang mangyari. Basta sinubukan ko lang wala namang mawawala, sabi nga ni Beth kung hindi siya siya sumagot ng tatlong beses. Ibig sabihin nun busy talaga siya.
“Ano po, Miss Era. Hindi pa rin sumasagot?”
“Last na. Kung hindi talaga sumagot. Hindi na ako tatawag.” For the last time, I tried to call him.. Tulad kanina nagriring lang ito. Ibaba ko na sana ang ng biglang may sumagot.
“Hey, love. What is it?” napakagat naman ako ng labi ng marinig ang boses nito. Feeling ko namumula ako ngayon dahil ginamit niya yung indearment namin kapag kaming dalawa lang magkasama. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang kiligin kapag tinatawag niya ako sa indearment namin. Maghunos dili ka nga, Era.
“Where are you right now?”
"I'm in the unit. Do you have a problem? I just finished having a bath and I didn't realize you were calling. ”
“Nothing. Just checking in to see if you're available today. ”
“Aren’t you on your shooting today?”
“They rescheduled it, that's why. Gagambalahin sana kita.”
“Alright, where do you want to meet us?”
“I'm actually in front of your building right now. I intend to go there.”
“Hmmm, it seems already planned.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Okay, you can come over now.” Nagpaalam naman na ako kay Beth ng sinabi kong pupunta na ako sa unit nila Sage. Mukhang mas excited pa siya ng sinabi kong magstastay ako roon.
“As if, masaya ka lang dahil wala kang aalagaan ngayon. It is your free day, so do anything you want. I won't disturb you either. Don't be worried.".”
“Kayo talaga miss Era. Hindi totoo iyan. Pero dahil sinabi niyong enjoyin ko ang free day ko kaya gagawin ko. Kayo rin po, alam kong mag-eenjoy rin kayo. Bye po.” Hinintay ko naman itong umalis saka na rin ako pumasok sa building nila Sage. Dalawang beses akong nagdoorbell bago ako nito pagbuksan ng pinto. Pero mali atang pinagbuksan ako nito, dahil hindi ko alam. Parang nawala ata ako sa sarili dahil sa nakikita ko ngayon. Nakahubad lang naman siya, I mean half-n***d dahil nakasuot na ito ng jogging pants na pang ibaba niya.
“My gud, Sage. Pwede bang magbihis ka muna, hindi ka ba nilalamig?”
“Why? Are you having an impact on my body? Don't worry, I'll let you touch it.” Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. Parang mali atang pumunta ako rito dahil kung anu-anong pinagsasabi ng lalaking ito.
“Shut up, are you seducing me? ”
“Are you seduced? ” This is wrong. Bakit feeling ko pinaglalaruan ako ng lalaking ito ngayon well, kung tama ang hinala ko. Nagtatagumpay ito sa binabalak niya. Ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko at humanap ng ibang bagay para maiba usapan.
“Akala ko baka nasa office ka ngayon kaya hesistant akong tawagan ka kanina.” Napakunot naman ang noo ko nang may makitang mga blueprint na nakakalat sa table nila. “What is this?” pinagmamasdan ko naman ito pero bigla niyang kinuha ang mga ito mukhang ayaw ipakita saakin.
"Nothing, it's proposal plans. We're getting started."
“Hindi mo sinabi na napaka busy mo pala, sana hindi na lang ako nagpunta rito.”
“It’s alright, I’m simply reviewing their proposals. Mamaya ko na lang tatapusin. Do you want to go somewhere?”
"I'd want to, but you know it's not safe.” Nag-aalalang saad ko. Lalo pa’t maraming matang nakatingin ulit saamin. Dahil sa bagong project namin marami nanamang naglalabasang news tungkol saamin. Hindi naman itp nagkomento kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya. He also seems to be bothered by something, although I'm not sure what. “But, I have an idea.”
“Okay, I’ll trust you with that.” mukhang nawala ang upset niya ng sinabi ko iyon. May Idea naman ng pumasok sa isip ko kung anong pwedeng gawin. So I'll see how long he can stand to this idea of mine.