CHAPTER 2

1042 Words
I kinda wanna throw my phone across the room ‘Cause all I see are girls too good to be true- Olivia Rodrigo Hindi ko maiwasang maitapon ang phone ko sa kama after akong tawagan ni Sage na pinapacancel niya ang lakad namin. Ang rason ay kailangan niyang samahan na maghanap ng unit ang best friend, This was his first time doing it.. Huminga na lang ako ng malalim at inisip na initindihin siya dahil kung tutuusin minsan ko na ring nagawa ang ganito sakanya dahil sa hectic ang schedule naming dalawa at siya ang madalas nag-aadujst. Pero hindi ko pa ring maiwasang hindi magtampo kaasar. Ganito pala yung feeling na mas pinili niya ang ibang bagay for sure ganito rin ang naramdaman niya dati saakin. Palalagpasin ko ito ngayon. Sa ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko sa araw na ito. Gusto ko man magmall pero hindi pwede sa public place lalo pa’t wala akong kasama. ‘I’m bored, sinong pwedeng magulo diyan?’ biglang message ko na lang sa GC namin. (Fame Girls) seen by all. Napairap na lang ako ng pati mga kaibigan ko mukhang iniiwasan rin ako. Hindi naman ako galit alam ko namang busy silang lahat sa mga trabaho nila ngayon. Hindi ko lang matangap. Kung kailan hindi ako busy doon naman sila busy lahat. ‘Pakamatay ka na.’- Ellesse ‘Nasan si Sage? siyang guluhin mo.’- Camilla ‘Makipag-date ka sa iba.’-Jhoanne Seen – Brigette . Kahit kailan talaga itong mga babaeng ito mga sira pero sila yung mga taong hindi ko rin kayang ipagpalit. Naalala ko tuloy dati ng magkakilala kami to be honest noong una para saakin kaya ko sila nilapitan noon is for popularity lang talaga. Pero habang tumatagal na nakakasama ko sila ang feeling ko nakahanap ako ng kapatid. Natatakot pa nga ako na may isa saamin ang baka malaglag kahit sa competition na magkakalaban dapat ang turing namin pero hindi ko naiisip na kalaban ko sila. Kahit yung iba na hindi nakasama sa top 5 naging importante na rin sila saakin. Haist! kahit paano nakalimutan ko yung lungkot at inis ko. “Hoy, Jho hindi ko kaya yang sinasabi mo.” Tinurn-on ko na yung video call dahil hindi ako sanay na makachat lang sila. Kung pwede lang magkita-kita kaming lahat para mas ramdam ko sila kahit mga baliw itong mga babaeng ito. “Kung ako sayo makikipagdate ako. Ano siya nakikipagdate ngayon? Tapos ako magmumok lang,, Hell NO! mamatay siya." “Wag ka nga magpanggap na hindi mo alam ang sinasabi ko.” “Parang may alam ako diyan sa pinag-uusapan niyo”- sabat naman ni Camilla. “Hindi ba kasama ni Sage ngayon yung Best Friend niya.” paano naman nito nalaman. Hindi ko pa nga nababangit sakanila. “Paano mo nalaman?” “Maze told me. Pinakilala sakanila kahapon ng isa, kung hindi ako nagkakamali.”paliwanag pa nito. “See pinakilala, parang jowa. Nakilala mo na ba iyong babaeng iyon? Balita ko artista pala iyon sa States how come hindi ko siya kilala?”-Ellesse “Yah, nakilala ko siya noong sinundo namin siya sa airport. Ang alam ko part-time niya lang iyon pag-acting dahil marami talaga siyang kakompetensya doon biruin mo nasa States siya for sure maraming kakompetensiya.” “Psh. Sabihin niya hindi lang siya magaling.” Mukhang hindi feel nitong si Jho. Ako naman kinikilala ko pa naman. “Ikaw, kailan ka pa naging basher. Nakilala ko naman siya mukha namang mabait.”sambit ko. “Psh, Wala akong tiwala sa mga ganyang best friend na iyan. Masama ang kutob ko sa mga ganyang best friend.” “Wow, Jho kung maka walang tiwala ka diyan kala mo ikaw yung Girlfriend ah.”- Ellesse “Kaya nga. Kalma ka lang may mga ibang best friend dito na nanasasaktan. Hindi ba Gette?”- Camilla, napatawa naman kami sa sinabi niya. Nakalimutan naming may best friend na lalaki rin si Gette. “I heard you. Sige lang pag-usapan niyo ako.”-Gette. Akala namin hindi ito nakikinig dahil halatang busy ito sa ginagawa niyang pagluluto. “Correction, Iba si Gette at hindi siya nagkaroon ng feeling sa BEST FRIEND niya. Iba yung may feelings sa wala. Gets mo ba Era!!” “Siguro dati meron, pero satingin ko naman wala na iyon ngayon. ” “I doubt it. Best friend do have limitations lalo pa’t alam niyang may girlfriend na ang bestfriend niya. Alam niya dapat ilugar ang sarili niya. Unless kung yung lalaki ang may feelings pa sakanya.” Bigla namang napataas ang kilay ko sa sinabing yun ni Gette. “So sinasabi mo saakin na may feelings pa siya sa kaibigan niya?” “I have no idea. It's up to you to figure it out. But one thing is certain: you must see this. ” bigla namang nag back cam sa phone halatang nasa resto niya ito. then she concentrates on something, or should I say on someone habang tumatagal lumilinaw kung saan siya nakafocus at hindi nga ako pwedeng magkamali nasa loob sila ng resto ni Gette. Masaya silang nagkwekwntuhan habang kumakain. Hindi ba sila natatakot lalo nasa maraming tao sila sa mga oras na iyon paano kung gawan nila iyon ng gossip. “OMG, Is that Sage at yung tinutukoy niyong girl?”- Ellesse "Your perception of that is up to you, Era. At mukhang hindi aware ang boyfriend mo na nasa public place sila. To think na siya ang pinaka conscious sa kanilang lima pagdating sa privacy.”seryosong saad ni Gette. Yah, tama siya. Siya rin kasi ang nag-suggest na maging private ang relationship namin dati at sumang-ayon na rin ako. “Ano ba kayo, pinag-ooverthink niyo si Era. Wag kang maniwala sa mga iyan alam kong mahal ka ni Sage. Baka nakakalimutan mo si Sage yung taong hindi madaling magmahal. Oo alam nating niligawan niya si Gette pero madali niyang ring sinukuan.” Pagtatangol naman sakanya ni Camilla. Kung may mga nega sa mga kaibigan mo meron ring positive kaya doon kami nababalance lahat. Nakita ko namang napasimangot si Gette sa sinabing iyon ni Carms dahil alam niyang tama siya. Yah, I shouldn’t doubt his feelings for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD