Tumigil ako nang makarating sa nagliliyab na field ng school. Tanging ang apoy lamang ang liwanag sa madilim at walang buwan na gabi. Everything was like an omen. It was like the old me was born again—to fight, to remember, and to continue what was left hanging before. Bumaba ang aking tingin sa lalaking nakahandusay sa aking paanan. Ang mahabang espada'y nakabaon sa kaniyang dibdib. Hinugot ko naman ang matalim na bagay na iyon bago ipinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid. Tahimik. Kahit ang sigaw o paghampas ng talim ng espada kanina'y tuluyan nang naglaho. "Haist," buntong hininga ko habang pinapakinggan ang mabilis at patakbong yabag papunta sa aking kinatatayuan. "Mukhang tuluyan nang natalo si Shadow." Sambit ko pa bago mabilis na umikot at sinalo gamit ang

