"At last! Nagkita muli tayo, Meiyra." ngiti nung lalaking medyo may kaedaran na. Nakasuot siya ng puting suit ngunit hindi nakaligtas sa aking mata ang hawak niyang baril. "Anong kailangan niyo sa akin?" atras ko ngunit may mahigpit na humawak sa aking braso. "Sabihin mo lang ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa formula. Baka sakaling magbago ang isip ko at buhayin ka pa." sagot niya naman sa akin. "Wala akong maintindihan. Ano ba talaga ang pinagsasabi niyo?" "Anim na taon na, Meiyra! Anim na taon na ang lumipas at imposibleng wala ka paring maalala. Tuluyan na yan! Huwag niyong titigilan hangga't hindi nagsasalita!" nanlamig ako sa huli niyang sinabi at huli na bago ko pa pigilan ang kaniyang mga tauhan. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyaring pagkidnapped sa akin noo

