Okaaaay? Halos hindi na ako makahinga sa dami ng nakain ko. Hindi pa rin bumabalik si Alfieri kaya kanina pa ako pabalik balik sa buffet table para kumuha ng desserts, at ngayon ay hindi na ako makatayo sa kabusugan. Napalingon naman ako ng may tumabi sa akin sa pagaakalang si Alfieri na iyon. "Kanina ka pa mag isa. Nagdidilim na rin may maghahatid ba sa iyo pauwi?" Tanong ng nasa mid 40's na lalaki. "Sa pagkakaalam ko kanina pa madilim." Inosente kong sagot. Alas diyes na nga ng gabi tapos lolokohin pa ako ng matandang ito. "Ah.. E... Hehe... Oo nga pala. May maghahatid ba sayo, hatid na kita? Mukha naman wala kang kasama." Makulit din pala ito e. Inirapan ko siya at kinuha na lang ang water goblet sa harap ko upang uminom. Hindi ko lang papansinin ito, aalis din naman iyan kapag hin

