Matapos kumain ay agarang nagpaalam sa akin si Lance. Ewan ko nga dun e, takot na takot yata kay Levius dahil hindi man lang magawang sulyapan o tignan. Samantalang si Levius naman ay naroon pa rin sa b****a ng kusina at sa tingin ko'y nanonood lamang habang inaayos ko ang kalat sa lamesa. Hindi rin siya nagsasalita at nananahimik lamang doon. Aba bahala siya kung tatayo lang siya sa isang tabi at panunuorin ako. "What was that about?" Rinig kong tanong niya. "Ang alin?" Maang ko naman at hinarap siya. "That." Seryoso at madiin nitong sambit na ikinangiwi ko. Tumataas na naman ang balahibo sa aking katawan. Unti-unti ring nagdilim ang ekspresyon ni Levius habang humahanap ako ng tamang sasabihin. Tss. 'Eh ano naman kung iba ang isipin niya? Wala naman siyang pakielam, 'di ba?' "Kino

