Minsan kailangan mong magsakripisyo alang alang sa kapakanan ng mga taong mahal mo. Huwag lang silang masaktan. Huwag lang sila mawala sa iyo. Dahil minsan, ang taong iyon ay ang madalas nakakaintindi sayo sa mga sitwasyong walang handang umintindi. Ang taong iyon ang madalas nasa tabi mo at naniniwala kapag walang ibang may gustong maniwala. Ang taong iyon ay ang aking kaibigan. At ngayon ako naman ang kailangan niya kaya ako naman ang gagawa ng paraan. Iniliko ko ang aking sasakyan at mas binilisan pa ang pagpapatakbo nito papunta sa kalsadang madilim at walang dumadaang kotse. Pababa ang kalsadang iyon kung saan may nadaanan pa akong mahabang tunnel at sunod naman ay mga clubs na mukhang illegal na itinayo sa parteng ito. Mabuti na lang talaga ay malaki ang tulong ng waze sa cellphone

