Revius. Right! Nakalimutan kong may kapatid pa nga pala si Levius na mas malala pa sa kaniya. Si Revius na muntikan nang pumatay sa akin. Si Revius na mapagpanggap. The devil in disguise! Mukhang magkikita na naman kaming dalawa at hindi ko gusto iyon. "We're here." Tumigil ang sasakyan sa isang napakalawak na field ngunit sa bandang dulo niyon ay ang napakahabang runway kung saan may mga nagbabantay. Tanaw rin mula rito si Revius na nakatayo lang habang pinapanood ang ipinapasok na si Levius paakyat ng plane. Nakahiga ito sa simpleng puting kama na may gulong, sa kamay niya naman at katawan ay kung anong mga aparato ang nakakabit. Ganun ba kalala ang tinamo niya para dalhin siya sa US? Levius... Akala ko ba galit ka sa akin? Akala ko ba ayaw mo na akong makita? Bakit kailangan mo pa ako

