Umupo na ako sa lamesa at muli kong nasilayan ang mukha nang isang napaka gandang babae. Maputi at mukhang dalagang dalaga. "Kamusta ka?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Nakikita ko sa kanyang mga mata na masayang masaya siya na kasama ako. "Okay lang ako, ikaw? kamusta ka?" tanong ko sa kanya. "Ayos lang din ako. Nako, napaka ganda mo talaga Miss Madilyn, at saka alagang alaga talaga ang buong sarili mo, sana ako din. Mahirap na kase ngayon dahil may anak na ako, mas kailangan kong unahin ang anak namin ni Marcos," sabi niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong kinabahan. Gusto kong klaruhin sa kanya kung ano ang kanyang sinabi. "Ang ama nang anak mo ay.. si... si Marcos?" Pag ka klaro ko sa kanya. Muli siyang tumingin sa akin. "Ahh... bakit magka kilala kayo?" tanong niy

