"Sir? May nabanggang sasakyan sa harap natin Sir!ko " sigaw sa akin nang secretary ko. "Talaga? Oh ano naman ngayon? Busy ako," pagmamaldito ko sa kanya. "Babae daw ang biktima," dagdag niya pa sa akin. Hindi na ako nako chismis pa sa kanila. Bagkus ay tinanong ko nalang kung dumating na ba si Hannah. "Wala pa rin ba si Hannah?" tanong ko sa kanya. "Wala pa rin sir eh. Ito po ang cellphone, tawagan mo nalang po," sabi niya sa akin. Inabot niya sa akin ang cellphone.
Hinanap ko ang pangalan ni Hannah sa cellphone at agad ko siyang tinawagan. Nagulat ako nang iba ang sumagot. "Sino to?" tanong ko sa kabilang linya. "... Yes sir, hindi po kayo nagkakamali nang dinig na aksidente po ang may ari nang cellphone na ito," sagot niya sa akin. Sinabi sa akin ang buong detalye at kung saan nangyare ang insidente. Nang malaman ko ay buong detalye at lugar kung saan nangyare ang krimen ay hindi ako makapaniwala sa aking narinig.
Agad akong nakapatayo sa aking kinau upuan at tumakbo ako palabas nang aking opisina. Pagka labas ko nang building ay nakita ko ang kotse ni Hannah na nakabangga sa poste. Tumakbo ako papunta doon kaso wala na doon si Hannah. Agad na siyang isinugod sa hospital.
Bumalik ako sa aking office para kunin ang aking car key at pumunta sa basement. Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan papunta sa hospital at nag baba ka sakali na okay lang si Hannah. Pag dating ko doon ay sinabi sa akin nang nurse ay nasa loob siya nang emergency room dahil na nagkaroon nang sugat ang kanyang ulo. Sinabi din sa akin nang doctor na lumabas sa emergency room ay baka magkaroon siya nang pansamantalang amnesia dahil nga sa pagka kalakas nang tama nang kanyang ulo sa manubela. Hindi rin alam. Kung kelan babalik ang kanyang alaala, kaya mas makakabuti kung may taong ka kausap sa kanya pag gising niya at dahan dahan siyang alalayan para sa lahat nang pangyayari.
"Poor Hannah..." sabi ko habang nakatingin ako salamin nang bintana nang emergency room. May naka kabit na oxygen sa kanya para tulungan siyang huminga. Makalipas nang limang oras na pag oobserba sa kanya ay naging stable na rin siya at doon na napag pasiyahan na ilipat na lang sa private room si Hannah para mas ma bantayan rin.
Nang mai plastar na si Hannah sa private room ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tuma tawag sa kanya. "Marcos?" sambit ko sa pangalan. Sino naman ang lalakeng ito. Naga dalawang isip ako kung sasagutin ko ba at ipaalam sa kanya ang nangyare o hahayaan ko nalang muna. Hindi ko muna sinagot ang tawag at ibinaba ang cellphone ni Hannah sa lamesa. Mas itinuon ko ang pansin ko sa kanya. Umupo ako sa gilid nang kanyang kama. Hinawi ko ang kanyang buhok at isinabit ito sa likod nang kanyang tainga. "Ano bang nangyare sa iyo Hannah?" tanong ko sa kanya.
Muling tumunog ang cellphone ni Hannah pero hindi na ito tawag. Isang text galing na naman sa pangalang Marcos. Ayoko mangealam sa kung ano man ang relasyon nila sa isa't isa. Tanggap ko naman kung boyfriend ba siya ni Hannah. Nagpa desisyonan ko na sabihin nalang sa kanya ang totoong nangyare kay Hannah. Muli kong kinuha ang cellphone at binuksan ang message. Nakita ko na ito ay isang voice message galing kay Marcos. Pinindot ko ang play button para marinig kung ano man ang pinadala niya kay Hannah.
"Hannah. I'm sorry, naging duwag akong lalake, alam kong nasaktan na kita noon at maging hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin sa akin. Hindi ko naman sinasadya lahat nang nangyare Hannah. Patawarin mo sana ako at sana naman bigyan mo pa ako ulit nang isa pang pagkakataon na para iparamdam ko ulit sa iyo ang init nang aking pagmamahal. Mahal na mahal kita Hannah. Ikaw lang ang babaeng nag mahal sa akin nang buo at hinimok ang aking buong pagkatao. Tinanggap mo ako nang walang pag aalinlangan Hannah. Patawarin mo ako. Umuwi kana please Hannah. Sasabihin ko sa iyo ang buong pangyayari. Matatapat na ako. Sana mahalin mo pa ako katulad nang dati. Katulad nang pagmamahalan natin sa una. Please Hannah. Ibalik mo ang dati mong pagti tiwala sa akin." sabi sa message.
So hindi nga ako nagka kamali. Nasa isang relasyon na pala ang babaeng mahal ko. Pero bakit ganun? Bakit niya sinasaktan si Hannah? Anong nangyare? Siya ba ang dahilan kung bakit na aksidente si Hannah at kaya andito siya? Anong klase siyang lalake? Bakit niya Gina ganito ang isang anghel na babaeng ito? Ang daming tanong sa aking isipan. Hindi ko alam, alam kong wala akong alam at wala akong karapatan magalit pero kailangan kong protektahan si Hannah. Kailangan kong ipakita sa kanya kung ano pa ang magagawa ko na higit pa sa lalakeng ito at si siguraduhin ko na mas hihigitan ko pa lahat lahat.
Napag pasiyahan ko na burahin nalang ang mensahe dahil alam kong hindi naman ito makakatulong sa kanya. Alam ko na sa sakit lang ang ulo ni Hannah. Hindi pa naman lumipas ang isang minuto ay isang Message na naman galing sa pangalan na Marcos.
"Hannah, sorry talaga, please, patawarin mo na ako. Hindi na ako makapag hintay na makauwi ka pa. Please. Umuwi kana. Aantayin kita dito sa condo natin," sabi niya.
Biglang nangati ang aking kamay at utak na parang pinipilit ako na alamin kung ano ba ang kasalanan nang tarantado na lalakeng ito. Huminga ako nang malalim at pumunta sa message box. Nag text ako kay Marcos. "Uuwi ako pag nalaman ko na ang totoo, ano ba kasalanan mo?" text ko sa kanya. Kinabahan ako nang konti dahil wala ako sa lugar para gawin ito at alamin ang totoo. Muli akong kinabahan nang nag Reply agad si Marcos. "Hannah. Alam kong masakit, pero naka buntis ako Hannah. Sana matanggap mo ito. Patawarin mo ako Hannah. Huwag kang mag alala hindi kita iiwan at pababayaan. Ang bata lang naman ang aalagaan ko at bibigyan ko nang prayoridad hindi ang babae. Ikaw ang mahal ko Hannah. Ikaw lang. Patawarin mo ako," reply niya.
Hindi ako naka imik sa reply ni Marcos. Minahal siya ni Hannah tapos ganito ang igaganti niya! Hindi! Hindi ako makakapayag. Ito na ang huli. Pasensya kana Marcos, pero oras na magising si Hannah. Hinding hindi ko hahayaan na babalik pa siya sa iyo. At ibang Hannah na ang makikilala mo. Patawad Marcos pero hinding hindi ko na hahayaan na masaktan pa ulit siya at isugal ang buhay nang babaeng mahal ko.
Umupo ako ulit sa gilid ni Hannah. Hinawakan ko ang isa niyang pisngi gamit ang kamay ko at walang pagda dalawang isip na na hinalikan siya sa labi. "Mahal na mahal kita Hannah at si siguraduhin ko na hinding hindi kana masasaktan pa kahit kailan Hannah. I LOVE YOU HANNAH. SIMULA NGAYON MAGIGING AKIN KANA."