Iniba ko ang aming pag uusap. May salita pa akong naaalala at kahit kailan ay hindi ito binanggit sa akin ni Grayson. Sana nga alam niya ito. Sana nga masabi niya ang karugtong nito. "Coffe" pag anyaya ko sa kanya. "COFFEE IS GOOD BUT A KISS IS BETTER," sagot niya sa akin. Walang duda. Hanggang sa biglang sumakit ang ulo ko nang sobrang tinding sakit. "Ahh... shit..." napaupo ako sa sahig sa sakit. Parang pinupokpok ang ulo ko sa sakit. Kumikirot ito. Hanggang sa tuluyan akong mawalan nang mahal nang ilang oras. Alaala bumalik sa akin. "Marcos!" sigaw ko. Pawis na pawis akong nakagising sa isang malambot na kama. Luminga linga ako sa paligid. Totoo nga ang nangyare. Hindi ito panaginip. "Marcos?" tawag ko ulit. Nakakaalala na ako? Bumalik na ang alaala ko? Napaiyak ako dahil, nakakaalaa n

